SOPHiE's POV
Madilim..... Bat wala kong makita? Hello? May tao ba dito??
Di ko maGets kung san ako pupunta, lakad lang ako ng lakad sa kadiliman. Ang alam ko nakabukas ang mga mata ko pero wala akong makita.
Ayun.... May nakita rin akong liwanag. Tumakbo ako papalapit dun, pero bakit ganun? Habang papalapit ako lumalayo naman yung liwanag.
Pinagmasdan ko yung kapaligiran, madilim parin. Nakakatakot!
Humarap ako sa likod ko, may tao at nakatalikod. Lumiwanag ang kapaligiran dahil sakanya, tila nag-iilaw sya. Kaya nailawan ang buong kapaligiran. Namangha ako sa nakita ko, nasa isang lugar ako na para bang paraiso. Nakakamangha talaga dito, ang Ganda!!
"Excuse Me!"
Sinubukan kong kausapin yung taong umiilaw. Hindi sya humarap, hindi nya ata ako narinig.
"Hello! Excuse me."
Bingi ata sya. Hindi talaga sya humaharap.
Napansin ko napaka kisig na lalaki nya, mukhang matipuno kaya napilitan akong lapitan sya. Pero habang papalapit ako sakanya lumalayo naman sya.
Hindi ko na sya nahabol, pagod na pagod na talaga ako. Nagdilim ulit yung kapaligiran dahil bigla na lang syang naglaho na para bang bula.
Kring Kring Kring Kring!!!
"Errrr!"
Nagising ako bigla dahil sa ingay ng telepono ko. Hoooo! Panaginip lang pala yun.
"Hello? Ang aga mo namang mambulabog Faye."
"Sorry Sissie. We need to talk."
"For what?"
Umupo na muna ko sa kama ko habang nakikipag-usap kay Faye, ewan ko kung anong dapat naming pag-usapan.
"Basta. Magkita tayo sa favorite nating restaurant, okay?"
"Hindi ba pweden dito na lans sa phone?"
"Hindi, bilis na Sissie."
"wait, what time?"
"Now na!!"
Awwwww. Ang aga naman!
"As in ngayon na Faye?"
"Yeah. Oras na kaya no. Tsk!"
Tinignan ko kung anong oras na sa wall clock ng room ko. Nyek! 10:42am na pala.
"Okay Okay. I'll be there in a minute."
"Go."
Binaba ko na agad yung telepeno at saka pumasok na ko sa Comfort Room para makaligo na.
12:01 kakatapos ko pa lang maligo.
12:59 Nakapag ayos nako. Ready to Gora na!!! :))))))
----------
@MAR'S GARDEN
"Oh em gee Sissie I thought nakidnap ka na. Grabe ha ang tagal mo."
"Sorry, HAHA. Kanina ka pa ba dito?"
"Nope, nauna lang ako sayo ng 15 Minutes. Alam mo naman kilala kita kaya maaga na kitang tinawagan para di tayo gabihin."
"Oo nga pala anong pag-uusapan natin Sissie?"
"Haha, wala naman Sissie. Naiinip lang kasi ako sa bahay. Sila Mom and Dad nag out of town today."
"Ah ganon ba? Osya uwi na ko. Byee!"
"Andayaa naman oh. Pasyal na lang tayo. Pleaseeee! Sagot ko."
"Okay fine, whatever!"
"Tenkyu Sissie."
"HarHar. Nakakainis ka Faye, ang sarap ng tulog ko tapos bomba naman pala yang pakay mo, e di sana pumunta ka na lang sa bahay."
"Andito ka na eh. So leggo?"
"whatever!"
Namasyal lang kami ni Faye the whole day, ang daming lugar ang pinuntahan namin. Ang dami kong pagod sakanya :// Nag-enjoy naman ako kahit papaano.
Nakwento ko rin sakanya yung tungkol sa panaginip ko, naba-bother na kasi ako eh. Actually two times ko ng napapaginipan yung Mystery Guy na yun pero sa ibang scenario , ang nakakapagtaka lagi syang nakatalikod tapos biglang mawawala.
"Bye Sissie, thanks sa time mo, pasensya na kung naistorbo kita."
"Okay na, pauwi na nga tayo oh."
"Hehe :)) Mua Mua Chup Chup."
"Yikes!! Osya bye na. Choco dreams na rin."
Hinatid na ko ni Faye sa bahay gamit yung kotse nya. Mga alas-nuwebe na siguro yon, pagkapasok ko pa lang sa gate na amoy ko na ang Bad Spirit. Si Evil DAD nasa Tapat ng swimming pool at nag wa-wine mag-isa.
"Where have you been My daughter?"
"Nothing."
Dare-daretso lang ako hanggang sa hagdanan ng main door namin sa bahay bago makapasok sa loob. Ayaw kong makipag-usap sakanya.
"Ganyan ka na ba talaga kung makipag-usap sakin Sophie?"
"Ano pa nga ba? Pagod na ko, wala kong time makipag-usap sayo."
Iniwan ko na sya sa labas at umakyat na ko agad sa kwarto ko para makapag pahinga na.
------
Mr.MonteCarlo
"Naging masama ba ko sayo Sophie? Kung di mo lang alam pagod na pagod na ko. Ang hirap para sa part ko na malayo ang loob mo sakin. Hayyy!!!"
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE (On Hold♥)
RomantizmNagsimula sa panaginip hanggang sa nakita mo na totoo palang nag e-exist ang nilalang na 'yon. Ang malala pa eh naStranded kayo sa isang Kj na happenings at nauwi sa HMMMMM. At pano kung siya yung ................ BASAHIN PARA MALAMAN KUNG ANONG MAN...