Eight Point Six *8.6

34 1 0
                                    

Pagkatapos ng Lunch pinabalik lahat ng kumuha ng scholarship sa Function Hall.

"Have a sit Guys."

Sabi ni Ma'am Miles, yung tumulong sakin makakuha ng form.

Umupo naman kaming lahat, siguro nasa 36 kaming lahat sakto para sa isang klase.

"Okay, hawak ko na ang result. Just tell me kung hindi kayo natawag."

Blah Blah Blah Blah Blah Blah Blah Blah ...

Natawag naman kaming lahat panghuli pa nga ko eh.

"So natawag kayong lahat?"

"Yes Ma'am!"

Sabi naming lahat.

"Okay Lahat kayo ay pasok para sa Scholarship. Congrats!"

"Wow!"

Nasabi ko sa sarili ko, ang saya saya ng lahat.

"People! Wait, sa Monday start na yung klase nyo. One section lang kayo so isang classroom lang ang gagamitin nyo."

"Ma'am? San po yung gagamitin naming room?"

"Good question. You will use the Star sections room. At pangGabi ang schedule nyo after ng works nyo. Okay na ba yun?"

"Okay na okay po."

Sabi nung nagtanong kanina.

"Pwede na kayong umuwi, congrats ulit sa inyo."

Lumabas na silang lahat pero nagpaiwan ako. Gusto ko kasing makausap si Ma'am Miles para personal na makapag pasalamat sa kanya.

"Oh may problema ba Deric?"

"wala naman po Ma'am, gusto ko lang po sanang magpasalamat sa inyo, maraming maraming salamat po sa inyo Ma'am."

"Sus, wala yun Hijo, You deserved this kaya galingan mo para di ka maalis sa scholarship. Okay ba yun?"

"Oo naman po Ma'am, Promise ko po sa inyo aayusin ko."

"That's good."

"Sige mauna na po ako Ma'am."

"Ingat."

Lumabas na ko pero naiwan parin si Ma'am Miles sa loob at inaayos nya pa yung mga gamit nya.

"Oh well, then nagpumilit ka paring pumasok sa Scholarship no?"

"Sir Mel?"

"Di ka rin makulit no?"

"Matanong ko lang po Sir Mel bakit napakaLaking deal sa inyo yung pagpasok ko sa Scholarship? May problema po ba?"

Natameme lang sya sa tinuran ko, nakakapika na kasi eh.

"Because he deserved this opportunity Mel."

Napatingin ako sa likod, si Ma'am Miles yung sumagot sa tanong ko, nakakahiya naman.

"Ma'am?"

"Gusto mo bang mareport to sa Office Mel? Hindi tama ang ginagawa mo. Alam mo ba yun?"

Nanahimik na lang ako habang nag-uusap sila sa harap ko. Inaabangan ko kung ano man yung susunod na mangyayari.

"Pasensya na po Ma'am, sana wag na pong makarating to sa Office o sa Dean."

"Then pabayaan mo na si Deric, malinaw ba yon?"

Nagulat ako sa sinabi ni Ma'am Miles, wala pa lang kaya si Dragona eh. Ang suwerte ko naman talaga sakanya. Niligtas nya ko. Thank you po uli.

"Haa?"

"Di mo ba narinig yung sinabi ko?"

"Bakit nyo po ba pinagtatanggol yan?"

Ba, at lumalaban pa si Sir Mel.

"What? You're asking me? Alam mo ba kung anong position mo dito Mel? You don't have the right para question-in ako. Clear?"

"Sorry po Ma'am."

"C'mon Deric."

"Ah opo."

Iniwan na namin mag-isa si Sir Mel sa labas ng Function Hall, nabara sya kay Ma'am Miles kaya naiwan parin syang nakatayo dun.

May After shocked pa sya.

"Ma'am thank you po uli."

"wala yun, Hindi ko maGets bakit ayaw sayo ni Mel, you're nice."

"Malaking palaisipan din nga po sakin yun eh, pero simula po nung bago pa ko dito ganun na po talaga sya sakin, pero mas tumindi po ngayon."

"Really? Gusto mo bang magpalipat ng Department?"

"Ay wag na po Ma'am."

"Are you sure? Basta kung may problema wag kang mahiyang magsabi sakin ah?"

"Nakakahiya na po sainyo Ma'am."

"Ano ka ba! Wala yun."

"Osige po Ma'am, thank you po talaga."

"No problem, Oh pano mauna na ko."

"Sige po, ingat po."

Naghiwalay na kami ni Ma'am Miles malapit sa Gate. Ako nauna ng lumabas ng Prestigious sya pumunta pa sya sa Office.

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon