DERiC's POV @P.U
Dismissal na ng mga estudyante dito. Dinaanan muna ko ni Josh bago sya tuluyang umuwi, nangamusta muna kung ano ng nangyayari sakin.
Papunta na ko sa Staff room para magbihis.
"Mr.HANDSOME???"
Lumingon ako para makita yung tumawag sakin. Alam kong ako yung tinutukoy nya no? Sure na yon! HAHA =D
"Ayna?"
"Teka lang."
Tumakbo sya palapit sakin.
"Dapat hinintay mo na lang ako sa klase mamaya."
"Ayaw ko nga."
Hinihingal na sabi nya.
"Magbibihis pa ko eh."
"Eh ano naman sakin? E di hintayin kita dito."
"Sure ka? Upo ka muna jan."
Itinuro ko yung Bench sa ilalim ng puno katapat ng room namin.
"Sige. Bilisan mo ha?"
"Sige."
Pumasok na ko sa loob.
"Oy gurumos!"
Lumingon ako sa gilid para makita yong kumatak.
"Anong ginagawa mo dito?"
Palaban na sabi ko kay Denmark. Ano na naman kayang kailangan nya sakin??!
"Lalaban ka na?"
Tumayo sya at lumapit sakin.
"Ewan ko sayo."
Tinalikuran ko sya at pumunta ko sa locker ko.
Pagbukas ko sa locker ko bigla nyang sinara kaya nagulat ako.
"Ano bang problema mo?"
Naiinis na sabi ko sakanya. Nakakainis na kasi sya eh, lalo pa't nalaman ko na sya ang dahilan ng kabusitan sakin ni Sir Mel.
"Ahh talagang lumalaban ka na?"
"Pwede ba Denmark may klase pa ko!"
Binuksan ko ulit locker ko. At na naman! Sinara nya ulit.
"Kinakausap kita! Kapal mo rin at labanan ako ha?"
Tinulak nya ko sa locker ko kaya ang lakas ng kalabog, di pa sya nakuntento kaya kinuwelyuhan nya ko.
"Ayus ayusin mo Deric di mo alam kung sinong kinakalaban mo!"
Nakatutok ang mga mukha namin at nanlalaki ang mga mata nya. Ewww! Kinikilig ako. =D kinikilig akong upakan sya.
"Deric? Tama na yan!"
Biglang pumasok si Ayna. Patay bawal ang di empleyado dito.
"At sino ka naman?"
Mayabang na sabi Denmark. Di parin nya ko pinakakawalan sa pagkakakwelyo.
"Wala ka na don!"
Mataray na balik ni Ayna.
"Lumabas ka na lang Ayna."
Sabi ko sakanya.
"Ayoko! Ang yabang neto eh!"
"Wag mo kong pilitin na saktan ka! Pumapatol ako sa mga dukha."
Lapastangan ka talaga Denmark! Sobrang Yabang!!!!!
"Bitawan mo si Mr.HANDSOME!"
Malakas pero confidence na sabi ni Ayna habang nakapamewang at tinuturo si Denmrak sa kabilang kamay.
"Nagpapatawa ka ba?"
"Hindi. Kung nagpapatawa ako bat hindi ka tumatawa?"
Sarkastik na sabi ni Ayna.
"Ayna ano ba!"
Sabi ko sakanya.
Bigla akong binitawan ni Yabang. Lumapit sya kay Ayna na akmang sasaktan.
"Sige saktan mo ko! Bakla ka pala eh!"
Sabi ni Ayna kay Yabang.
Sasaktan na sana ni Denmark si Ayna pero napigilan ko sya. Hinawakan ko ang kamay nya na dadampi kay Ayna.
"Tigilan mo sya! Sakin ka may galit diba? Wag mo syang idamay!"
Walang sabi sabi sinuntok ako ni Denmark na kinabagsak ko. Masakit yun ha?? Isang suntok lang tumumba ako at may lumabas na dugo sa ilong ko.
"Ha-Ya!"
Sinipa ni Ayna si Denmark. Diba nga Black Belter sya?? Kaso talo pa rin eh. Tinulak sya ni Yabang kaya bumagsak din sya.
May powers ata to? Ang tibay eh. May pagka satanista talaga.
"Anong gulo to??"
Papasok na sabi ni Sir Mel.
"Punyeta ka talaga Deric!"
Hala ako na naman! Samantalang ako ang sinugod dito!
Hindi naman dapat Meant To Be ang Title ng kwento ko eh, dapat Hari Ng Kamalasan! Buong maghapon na to puro kamalasan naranasan ko!!! Y.Y
Tumayo pero nakaupo pa rin si Ayna kaya nakita sya ni Sir Mel.
Nakita kong nagliyab ang kanyang mata. Mukhang galit na galit.
"At sino na naman tong babae na to??"
"Girfriend ata ng dukha mong empleyado?! Jan na nga kayo!"
Umalis na si Denmark.
"Ahh! Hindi po!"
Tanging na sabi ni Ayna. Tumayo sya at pinagpagan ang sarili.
"Get Out! Get Out!"
Pasigaw na sabi ni Sir Mel kay Ayna.
"Eto na po! Deric hintayin kita sa labas!"
Ang adik talaga ni Ayna galit na nga si Sir Mel nakuha nya pang makausap ako. Ayun dahil sa ginawa tinignan sya ng masama ni Sir Mel kaya agad syang tumakbo palabas. =D
"At ikaw?"
Balin sakin ni Sir Mel.
"?"
Speechless ako. Wala akong ganang kausapin sya dahil magkasabwat sila ni Yabang.
"Puro ka perwisyo!"
"Nagpapaka Stress po kasi kayo sakin eh."
Sinuot ko na yung T-Shirt ko para makalabas na. Pagkauwi ko na lang ako magbibihis.
"Anong sabi mo?"
Naiinis na sabi sakin ni Sir Mel.
"Mauna na po ako."
Nilagpasan ko na sya at lumabas. Di ko na rin naman sya narinig na sumagot kaya hinayaan ko na lang.
"Tara na?"
Yaya ko kay Ayna.
"Sige."
Tumayo sya at lumapit sakin.
"Ang daming may ayaw sayo no Derc? Samantalang mabait ka naman at gwapo pa."
"Sows! Talaga ha?"
Ginulo ko yung buhok nya. Pag talaga kasama ko sya hindi pwedeng hindi ako mabubusog sa mga puri nya sakin. Hahaha :D
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE (On Hold♥)
RomantizmNagsimula sa panaginip hanggang sa nakita mo na totoo palang nag e-exist ang nilalang na 'yon. Ang malala pa eh naStranded kayo sa isang Kj na happenings at nauwi sa HMMMMM. At pano kung siya yung ................ BASAHIN PARA MALAMAN KUNG ANONG MAN...