Ten Point Five *10.5

28 0 0
                                    

6:24 Nakarating na kami sa Prestigious. Hayy salamat hindi kami nahuli kundi lagot na naman ako kay Sir Mel.

Dito kasi sa Prestigious University yung mga klase nila is 8:00 pa, pero kaming mga empleyado dito kailangan mas maaga kami, Kailangan before 7:00 nandito na kami at gumagalaw na sa kanya-kanyang toka.

"Oh pano una na ko. Paalam Badyaw!"

Pakaway kaway mode pa si Josh habang alaskang nagpapaalam kay Ayna. Niloloko nya kasi si Ayna dahil nga sa language nya kanina, hindi naman raw pang korean yun, pang Badyaw daw. Haha :) Loko-loko talaga.

"Sige kita na lang tayo bukas!"

Pagpapaalam ko kay Josh.

Bukas naman kasi talaga kami ulit magkikita eh. Kasi pag break time namin di ko rin sya nakakasabay, pag uwian naman nauuna na sya sa bahay kasi may pasok pa ko pag gabi, pagkauwi ko naman hindi ko na sya nakikita kasi tulog na sya. Kaya kinaumagahan ko pa sya nakakasama tsaka nakakasabay pumasok.

"Arrggh! Di nga Badyaw yun eh. Humanda ka sakin mamaya!"

Pasigaw na sabi ni Ayna kay Josh, mejo nakalayo na kasi sya bago pa sya makasagot.

"Hayaan mo na yon."

Malumanay na sabi ko kay Ayna. Masyado kasi syang NaHigh-Blood kay Josh.

"Cheeee! Magsama kayo!"

Bigla syang nag walk-out . Ano yun nagalit sya? Teka nga at masundan maaga pa naman.

"Galit ka Ayna? Uyy!"

Kinakalabit ko sya para humarap sakin. Kaso ang bilis nyang maglakad kaya parang tumatakbo na ko. Sa totoo lang mabagal talaga akong maglakad kahit long legged pa ko. Imba nga eh!

"Cheee!"

"Ano ba yan Ayna Chee ka ng Chee! Sinisipon ka ba?"

Bigla syang tumigil sa paglalakad kaya tumigil din ako. Humarap sya sakin pero ang sama ng tingin nya. Hala parang Monster sya. =) Ganito yung mata nya ohh >>,<<

"Joke ba yun? Pili ka dito Deric."

Hinarap nya sakin yung mga palad nya. Pinapipili nya ko sa lima nyang daliri.

Pumili naman ako baka kasi sabihin nya KJ ako at lalo pa syang magalit sakin. Pinili ko yung index finger nya.

"Teka ha?"

Tumigil muna sya at pumesto.

"Hehehehehehehehehe!"

Tumawa sya ng nakakaloko at yung ginamit nyang pangkiliti sa sarili nya ay yung pinili kong index finger nya.

"Ah yun pala yung purpose non?"

Tumango tango ako habang nakangiti kasi wala talaga akong ideya kung bakit nya ko pinapipili sa mga daliri nya, yun pala pangkikiliti nya dahil sa Joke ko sakanya. Waha! Ang corny talaga.

"Galit ka pa rin Ayna?"

"Hindi na, Cute mo kasing magSmile eh."

Bigla akong sumimangot kasi pinansin nya yung smile ko. Baka mausog ako. Haha xD

"Oh bakit? Malungkot ka Baby?"

Lumapit sya sakin na nakaPout lips, mas matangkad ako sakanya kaya tumingkayad sya.

"Arayy naman! Masakit."

Pinagpipisil nya yung pisngi ko T_T

"Masakit ba Baby?"

Aray lang ako ng aray pero wala akong magawa kasi black belter pala to sa taekwondo. Malakas sya di kaya ng powers ko.

"At nagagawa nyo pang maglandain no? Oi oras PO ng trabaho."

Napatigil si Ayna sa mga pinaggagawa nya sakin dahil biglang lumitaw at nagkaka-katak si Sir Mel.

Question mark lang ang itsura nya.

"Sige Ayna una na ko. Kita na lang tayo mamaya."

"Sige."

Umalis na sya at pumunta sa Canteen, dun kasi sya empleyado eh.

"Oras ng trabaho Deric at ikaw nagagawa mo pang makipaglandian dito. Binabayaran ka tandaan mo."

"Opo. Pasenya na po."

Nakayuko lang ako habang humihingi ng sorry, mali naman kasi yung pagkakaintindi nya sa ginagawa namin ni Ayna eh. Tsk! Pero bawal sumagot sa nakakatanda, yan ang turo sakin ni Nanay Stella.

"Pasensya Pasensya... Puro ka pasensya! Oh pumunta ka na don sa staff room at magbihis! Daleee!"

"Opo."

Umalis na ko at iniwan sya. Bakit kaya laging mainit ulo nya sakin? Gwapo kasi ako eh, bwahaha :D Joke lang pero totoo.

"Oh bakit ngayon ka lang?"

Balin sakin ni Bobby habang kinukuha ko sa locker yung uniform ko.

"wala lang para maiba."

Sabi ko na lang sakanya dahil baka makita na naman ako ni Sir Mel at sabihin na nakikipag kwentuhan ako. Mahirap na at baka pag-initan na naman nya ko.

Umalis nako at iniwan si Bobby. Pumunta na ko sa lugar kung saan ako naka schedule maglinis ngayon. Nadistino ako sa likod ng pinaka dulong building ng Prestigious.

Nagsisimula na kong maglinis ng may marinig akong nag-uusap.

NaCurious naman ako kaya sumilip ako. Nasa gilid lang sila ng building papunta kung nasaan ako ngayon.

Ba??? At nag-uusap sina Sir Mel at Denmark'Yabang. Ano to? Unang pumasok sa isip ko MAY RELASYON DIN SILA????? Teka baka hindi naman, Erase Erase!! Ayaw maDelete!!

"Bakit nalaman ko na nakapasok sa scholarship yung Deric na yon ha?"

Bigla akong natigil sa pagsasapok sa ulo ko ng marinig ko yung DERiC. Ako yun eh. Bat nila ko pinag-uusapan?

"Ah eh. Di ko po alam."

Mala-Asong maamo na sabi ni Sir Mel.

"Anong di mo alam? Diba sabi ko sayo bantayan mo sya at siguraduhin mo na di sya makakapasok?"

"Ginawa ko naman po yun."

Ano DAW? May kinalaman si Denmark kaya ayaw akong ipag-avail ng scholarship ni Sir Mel? Ahh kaya pala sobrang Bad nya sakin, magKasabwat sila!!!

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon