Eight Point Three *8.3

36 1 0
                                    

"Alam mo pare ang daming nangyari sakin ngayong araw na to."

Sabi ko kay Josh habang naglalakad kami pauwi sa tutuluyan naming bahay.

"Talaga? Ano naman yung mga yon?"

"Tulad nung dalawang babaeng nakabungguan ko."

"Ang malas mo naman, magaganda ba sila?"

"Eto talaga. Hahahahaha :))) Mukhang mga bakla eh."

"Malas ka nga pre."

"Biro lang. Magaganda sila lalo na yung last."

Nasa park na kami isang kanto pa DAW bago kami makarating sa bahay nila.

Ang daming tambay dito, may mga nagde-date, naglalaro, nagPipick-Up Battle, at naglalampungan.

Sa huling sinabi ko biglang pumasok sa isip ko si Yabang at yung kalampungan nya. Dapat sabihin ko kay Goddess yung nakita ko, ay wag na lang. Wag na kong makialam sa relasyon nila. Kaso nakaka-awa sya eh, di nya alam niloloko sya nung Yabang na yon.

"Sino ba yung last? Anong hitsura nya?"

"Si Goddess."

"Talaga? Oh suwerte ka pala eh. Teka sino kasi si Goddess mo?"

"Tsaka mo sinasabing suwerte ako di mo pala alam kung sino yun."

"Goddess eh, syempre magaganda yung mga Goddess, di wari?"

Nagpapalusot pa sya eh. Oh teka may naalala ako.

"Uy pare Oo nga pala di ba pinapatanong ko sayo yung pangalan nung babaeng una kong nakita nung unang punta natin sa Prestigious?"

"Teka..... Ah oo nakalimutan kong ikwento sayo. Natanong ko na yung pangalan nya dun sa Bestfriend nya nung nakaraang araw."

"Anong pangalan nya?"

Excited akong malaman ang pangalan nya para di ko na sya tawaging Goddess, baka mahuli na naman ako. Nakakahiya na!

"Ano kasi yun? Teka wag kang magulo iniisip ko pa."

"Bat mo pa iniisip? Dali na pre! Excited na ko oh."

"Teka nga eh. Wag kang magulo."

"Teka Teka! Wag mong sabihing nakalimutan mo?"

"Hehe! Parang ganun na nga."

"Ayy Ano ba yan!!"

"Alam ko na, SONYA name nya."

"Parang di naman bagay sakanya pre. Sigurado ka na ba?"

"Hindi eh. Haha! Ano kasi yun? Safarri? Sunshine? Syntia? Symphony? Sandy?"

"Puro ka lang kalokohan eh, ano na kasi pare?"

"Iniisip ko nga eh, mataggal na kasi yun kaya nakalimutan ko na. Tsaka nawala sa isip ko na ikwento sayo, basta ang alam ko nagSisimula sa Letter 'S' yung name nung Goddess mo."

"Alamin mo ulit yun."

"May bayad na."

"Sapak gusto mo?"

"Pera."

"Sapak."

"Osige libre na lang."

"Good!"

Nakarating na kami sa bahay iniisip parin nya yung name ni Goddess. Ang palpak nya kasi eh. Dapat sinulat nya sa papel para di nya nakalimutan. Tsk! Sayang naman. ='(((((((((((

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon