Thirteen Point Three *13.3

34 0 0
                                    

"Sophie! Sophie!" Malakas na sigaw ni Deric kaya agad akong nagising.

"Anong problema Deric?" nagtatakang tanong ko pagkalabas ko. Mukha kasi syang natataranta eh.

"Dali!" itinuro nya sakin yung dagat.

Nagulat ako kasi may mga mangingisda. Lumapit ako kay Deric at sabay kaming sumigaw para mapansin nila kami. Hindi naman kami nabigo.

"Tulong!!!" sigaw namin kahit papalapit na samin yung bangka ng mga mangingisda.

In-interview muna nila kami at pinasakay sa bangka nila. Grabe talaga, akala ko hindi na kami makakaalis sa Island na yon. Pero masaya rin naman ako sa 3 days na pamamalagi namin dun. Maraming bagay ang nangyari dun. At kahit na alam ko na parang it's so cheap kung sa ilang araw na yon eh maging kami na ni Deric, pero I don't care about that. Alam ko at alam ni Deric na mahal namin ang isa't isa. Ano pa nga ba kung patatagalin pa kung ganun din naman ang kalalabasan.

Ako at si Deric ay tahimik na nakaupo habang umaandar ang bangka na inasakyan namin. Natatakot ako sa mga mangingisda na to kasi hindi mukhang katiwa-tiwala mga feslak nila. Baka mamaya mga pirata mga to o kaya abu sayaf tapos putulin nila leeg namin? Weee! Wag naman sana. Taken na pamo ulit ako. Yeah....kami na ni Deric. 21 Monthsary namin. Uwaaaa! Malandi na kasi! Ako ng malandi. Hahaha :)))

"Okay ka lang Sophie?" tanong sakin ni Deric, napansin siguro nya na hindi maganda facial expression ko.

"Yepp. Don't mind me."

Makalipas ang ilang oras naming paglalakbay. Paglalakbay talaga? Haha XDD nakarating na kami sa daungan.

=================================

"Okay ka lang ba, anak?" maluha-luhang tanong ni Daddy. Atlast nakauwi na rin ako sa homeland ko. I'm super thankful kasi God is guiding me and he never let me to be alone. And lastly throughout that experienced I've learned a lot of things that I never did in my whole life. I'm gladly that I found who the real am I.

"Yes Dad. Pagod at puyat lang po to. Magpapahinga muna po ako." umakyat na ko sa room ko.

Kinaumagahan maaga akong pumasok sa Prestigious.

"Sissie?" may tumawag sakin mula sa di kalayuan.

Nagulat ako kaharap ko kasi sina Erie at Faye yung tumawag sakin. OhMyGedd buti na lang ligtas sila.

Umupo kami sa malapit na bench at nagkwentuhan.

Obviously, topic namin is yung kJ naming Tour. Nakwento rin nila sakin na na-stranded din sila sa isang island. Pero dahil nabalitaan pala sa buong campus ang nangyari kaya nagkaroon ng retrieval and rescue operation. At hindi pa raw natatapos ang isang araw nakita sila at narescue na ng mga rescuer.

"Eh anong balita naman sayo? At dun kay Deric? Balita ko kayong dalawa ang magkasama." satsat ni Erie. Ayaw kong maging topic namin yun kasi napansin ko nag-iba facial expression ni Faye.

"Ano ka ba Erie?" sabi ko na lang. Ayaw kong sumagot lalo na tungkol kay Deric. Hindi ko pwedeng sabihin o i-kwento kung anong nangyari sa tatlong araw na yon. Hindi ko rin pwedeng sabihin na boyfriend ko na sya. Baka pagnangyari yon baka magalit at mag-away pa kami ni Faye. Pero diba sabi nila walang secretong di nabubunyag? I'll find the right time para sabihin sakanya.

"Exit muna ko. Cr lang ako. I'm happy sissie dahil hindi ka napano." she smiled and walk out.

"Parang wala sa mood si Faye?" tanong ni Erie.

"Hindi ko alam sissie." anyway nagkwentuhan kami ulit ni Erie.

to be continue.....

****

(A/N Sleepy na ko! -.- bukas naman ulit. Haha :)) Hindi ako inspired gumawa kasi walang music eh. XDD)

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon