Ginantihan ko rin sya ng suntok. Malakas yun kaya nahiga sya sa lupa.
"Alam mo di maganda ang ginagawa mo? Gusto mo bang malaman sa office to?"
"Pakilamero ka talaga ha??"
Tumayo sya at sinuntok ulit ako pero syempre hindi ako papatalo kayo ginantihan ko rin sya ng suntok pataas sa baba nya.
"Tama na yan!!"
Sigaw nung babae, pero di ko sya pinakinggan.
Dumugo na yung ilong nya pero ako may nalasahan akong dugo mula sakin tanda na tinamaan din ako.
"ENOUGH!!!!"
May sumigaw, para tignan tumigil kami nung panget na kasuntukan ko.
"Para kayong mga bata! Walang mga alam!!"
Sigaw na sabi samin nung di katandaan na lalaki, palapit sya samin. Mukhang galit.
"You, You and You! In my office!"
Tinuro nya kaming lahat. Punta daw kami sa office nya.
"Patayyy!"
Sabi lang nung babae.
"Sino yun?"
May pagtatakang tanong ko sakanya.
"Si Princ-epal!"
Natawa lang ako sa sinabi nya. Lumakad na kaming tatlo papunta sa office.
"Okay ka lang?"
Balin sakin nung babae habang naglalakad kami.
"Oo naman!"
Sabi ko na lang sakanya kahit di naman talaga ako okay. Ikaw kayang masuntok okay ka lang? Pero syempre kailangan maging nice kaya kailangan mong sabihin na Okay ka lang kahit hindi naman talaga.
"Ako nga pala si Faye...... Faye Alonzo."
"Bagay sayo yung name mo."
"Ah talaga? Salamat ha?"
"Sus strategy nya lang yan!"
May humirit sa likod, yung panget na nilalang. Di naman sya kinakausap. Tinignan lang namin sya ni Faye sabay snob. Haha :)) Iba talaga pakiramdam ko ngayon kahit papunta kami sa Office.
"Kinakausap ka?"
Mataray na sabi ni Faye kay Panget.
"Pasok ho."
Sabi ng babae na nasa may entrance ng Office. Ganun ba talaga? Kailangan Office agad di ba pwedeng sa Guidance muna? First time kong maOffice. Hirap pa lang maging Hero kailangan mong magsakripisyo.Ü
"Kinakabahan ako."
Wika ni Faye habang hawak-hawak ang dibdib.
"Wala naman tayong kasalanan kaya wag kang kabahan."
"Osige. Ano nga bang pangalan mo?"
Di ko na nasabi sakanya ang pangalan ko dahil tinawag na kami ng Head, pumasok na daw kami sa loob.
"Take your sit."
Saktong tatlo yung upuan kaya umupo na kami. Malapit sa mesa ng Dean si Faye, katabi naman nya yung panget tapos ako.
"Sign here."
May hinarap syang malaking notebook kay Faye. Nah... May record na nyan kasi ako dito sa office??? Badtrip naman ohhh!!! Scholar pa naman ako. Grrr >. Baka maalis nya ako?!!
Wala no choice nakapagSign din kaming tatlo. Inis naman!
"Oh ikaw babae anong nangyari sayo at nandun ka sa likod ng prestigious kasama yang boyfriend mo? Oras ng klase hindi ba?"
Natawa ako ng sabihin ng Dean na BOYFRiEND daw! Nyaha! Kahit akong babae hindi ko sasagutin yun eh.
"Nasa Comfort room po kasi ako tapos paglabas ko bigla na nya kong hinila, sumama naman po ako kasi sabi nya nahihilo daw yung Bestfriend ko si Sophie."
Maliwanag pa sa buwan na explanation ni Faye. Ang sungit talaga ng matandang to! Andropose na ata to?? Hehe \m/
"Oh ikaw naman?"
Nagulat ako ng ako pala yung tinutukoy nya.
"Ah ehhh? Hmm Janitor po ako dito. Hmp kasalukuyan po akong naglilinis sa likod ng prestigious kasi dun po ko nadistino nang marinig ko syang nagsisigaw at himihingi ng tulong kaya di po ako nag atubili na tulungan sya."
"Sinungaling!!!"
Biglang tumayo yung panget at sinabi na nagsisinungaling ako. Anong ibig sabihin nya??
"Hah?"
Sabi ko na lang. Anong pinalalabas nya?
"Siya! Siya po yung nagsabi na kunin ko si Faye at dalhin sa likod ng building para pagsamantalahan."
Nag-init pakiramdam ko sa sinabi nya. Binabaliktad nya ko! Promise Papa God di na ko magpapakabayani, Yan kasi Deric masyado kang mabait kaya ikaw tuloy napasama.
"Anong sinasabi mo? Panget ka na nga sinungaling ka pa. Kainis ka ha?"
Naiinis na sabi ni Faye dun sa Panget na Sinungaling.
"Hindi po ko nagsisinungaling, actually inosente talaga po ako sa pangyayaring to!"
Mangiyak ngiyak na sabi nya. Pesteng yawa to! Magaling umarte bat di sya sumali sa MMFF??
"Ikaw ang sinungaling!!!"
Naiinis na sabi ni Faye.
"Ako nagsisinungaling?"
"Oo talaga!"
Sumabat na ko sa pagtatalo nila.
Nakakapikon na eh >,+
"Tama na!! Kayong tatlo ay suspende ng isang linggo!"
"Ha?" Sabay sabay na sabi namin.

BINABASA MO ANG
MEANT TO BE (On Hold♥)
RomanceNagsimula sa panaginip hanggang sa nakita mo na totoo palang nag e-exist ang nilalang na 'yon. Ang malala pa eh naStranded kayo sa isang Kj na happenings at nauwi sa HMMMMM. At pano kung siya yung ................ BASAHIN PARA MALAMAN KUNG ANONG MAN...