"Talaga? Akala ko wala, kasi sa itsura mo parang wala eh." Kahit naman ganito ako marunong parin akong magkagusto no? Kaya nga Crush kita eh.
"Haha ano bang akala mo sakin?" Hindi namin alintana ni Deric ang malakas na hangin na humahampas. Kahit ramdam kong malamig hindi parin ako giniginaw.
"kailangan pa bang sabihin? Wag na baka magalit ka sakin."
"I won't." kaswal na sagot ko.
"Huwag na Sophie. Baka magalit ka pa sakin."
"Promise,hindi. Ano nga?"
"Nakakahiya eh."
"Sabihin mo na," pamimilit ko pa rin sakanya. Curious kasi ako kung anong impression nya sakin.
"Are you sure na hindi ka magagalit?" Umiling ako. "Come on, tell me."
"Masungit, maarte, suplado." Tapos nyang sabihin yon tumawa lang ako.
"Bakit ka tumatawa?"
"Kasi alam mo Deric normal na yun sakin. Akala ko naman kung ano yun." tumawa ako ulit at nakisabay rin sya.
"Ang sarap sa lugar na to." sabi ko tapos naming tumawa. Parang aning nga lang eh.
"Ngek. Anong masarap dito? Eh wala tayong kasiguraduhan dito."
Masarap dito kasi alam ko kasama ko ang taong matagal ko ng hinahabol at ngayon kasama ko na siya, at kami lang dalawa.
Hindi ko na sinagot ang tanong nya. Agad na kong nagsalita "Ang lamig ng hangin," niyakap ko sarili ko. Malamig kasi talaga eh.
Parang nakikisama ang hangin kasi mas lalo pang lumakas.
"Mas lumalamig ang paligid. Ang ginaw," sabi ni Deric. Parehas na kaming nilalamig dito. Yung suot ko lang kasi T-shirt at Jeans. Yung jacket ko nasa bumagsak na plane na.
Bigla kaming tumahimik, parehas kaming di kumikibo ako nakaupo lang habang nakapatong ang ulo ko sa mga tuhod ko.
"Maybe this will help." ikiniskis nya ang mga palad nya at saka nya ipinatong sa braso ko. Syempre pinainit nya muna yung palad nya para mainitan ako. Kaso waepek parin eh. Anlakas kasi ng hangin.
I smiled kahit walang nangyari. Di na lang ako nagsalita kasi nagulat ako sa ginawa nya.
"I hope you won't mind kung yayakapin kita." pagkatapos nyang masabi yun muntikan ng maluwa mata ko sa gulat, syempre di naman totoo yun. Malalaglag wari mata ko ng ganun-ganon? Hahaha :))
"Yayakapin mo ko?" may pagkagulat na sabi ko. Pilit kong itinago ang excitement sa sinabi nya, kulang na lang tumalon ako sa tuwa.
"Effective 'yon na pampatanggal ng ginaw." lumapit sya sakin at pumuwesto sa likod ko at ipinulupot ang mga braso nya sa baywang ko at inilapt nya ang katawan nya sa likod ko. Ipinikit ko na lang mga mata ko habang finiFeel ang sensasyon ng pagkakalapit namin. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon, samantalang dati-rati niyayakap ako ni Denmark. Pero ngayon iba talaga ang nararamdamn ko. Feel ko may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko.
"Still cold?" tanong nya.
"Hindi na masyado." Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sakanya. Naramdaman ko yung hininga nya. Ambaho -,~ BUWAHAHAHAHA! Joke yun syempre. Basta ambilis ng pangyayari magkalapit na yung mga mukha namin, konti na lang pagitan ng mga labi namin.
Gusto ko sanang iiwas ulo ko pero ayaw gumalaw, hindi ko macontrol sarili ko. Dahan-dahang gumalaw yung ulo ko palapit sakanya kaya ako na mismo ang humalik sakanya. Ang awkward =__=
May biglang side na nagsalita na 'Huy ang garapal mo naman' kaya nagising ako sa ginagawa ko. Oo nga ano ba tong ginagawa ko. Kausap ko lang sarili ko ha? Haha =) naaaning na kasi ako eh.
Tumawa ako ng magkalayo ang mga katawan namin. "Hindi ka pa nga nagkaka-girlfriend, di ka marunong humalik eh." Ngumiti lang ako at iniwan sya dun habang nakaupo. Naglakad na ko papunta sa bahay na ginawa nya.
*****
(A/N : Hep Hep Hep!!! VOTE, COMMENT, FAN AND TWEET. Walang madamot! Hahahaha =) May nagbabantay sainyo ^^, Ongapala, ginagawa ko na po ang best ko para pakiligin naman kayo. Kaso NBSB ang Author nyo eh. Mwahahaha :D7 Yun lang po. Take Care && Godbless! Ü
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE (On Hold♥)
RomantikNagsimula sa panaginip hanggang sa nakita mo na totoo palang nag e-exist ang nilalang na 'yon. Ang malala pa eh naStranded kayo sa isang Kj na happenings at nauwi sa HMMMMM. At pano kung siya yung ................ BASAHIN PARA MALAMAN KUNG ANONG MAN...