Mika's POV
Habang nag-aayos na kami ni Ara ng gamit sa dorm, biglang may nagring na phone. Dahil hindi ko naman naramdamang nagvibrate yung sakin, matik ng kay Ara yun
***RINGGGGGG***
"Wait lang ah." Sabi niya at lumabas muna siya ng kwarto namin.
Nagthumbs up naman ako bilang sagot ko.
Maya-maya ay bumalik na rin si Ara at may kinuha siya sa bag niya.
"Mika, aalis na ko. Ikaw muna dito."
"Ah sige. See you later." Sabi ko naman at kumaway sa kanya.
"See you!" Sabi niya at umalis na.
Pagkaalis naman ni Ara ay biglang may nagtext naman sakin. Tinignan ko naman yun at si Carol Cerveza pala. Teammate ko siya sa volleyball team.
1 New Message
From: Carol Cerveza
Miks!! Tara na dito sa Gym. May meeting tayo ngayon.
.....
To: Carol Cerveza
Bakit?
....
From: Carol Cerveza
Alam mo na meeting the Players! Dali!! baka ma-late ka pa
...
To: Carol Cerveza
Ok Ok.. OTW na ko :)
END CONVO
After kong itext siya, agad-agad naman akong pumunta ng gym baka mapagalitan pa ako ni Coach eh.
After 10 minutes, hingal na hingal akong pumasok ng gym.
"Uy!"
Napatingin ako sa right side ko at nakita ko si Carol na papalapit sakin.
"Late na ba ko?" Tanong ko at umiling naman siya.
"Tara na pasok na tayo!"
Umupo kami ni Carol sa pinakaharap para makita agad kami ni Coach. Nakakapanibago talaga, buti na lang at naging close agad kami ni Carol pati yung ibang rookies.
"Hello Everybody!" Bati ni Coach samin.
"Hello po Coach!" Ganti naman namin.
"Meet your new team captain, Aby Marano." Maligayang sabi niya pumalakpak naman kami.
"Hi Guys!" Bati naman samin ni Ate Aby.
"Aby, please introduce our new rookies." Utos naman ni Coach at pumunta sa harap.
"Pumunta dito sa baba lahat ng rookies ngayon." Sabi naman ni Ate Aby at lumapit kami sa kanya.
Maraming bumaba dito sa kinatatayuan namin. Mga limang rookies pala kami ngayon sa batch namin.
"This is Carol Cerveza." Pakilala naman ni Ate Aby kay Carol. Kumaway lang naman si Carol sa mga dating players ng team.
"Next, the twins, Camille and Cienne Cruz." Pakilala naman niya sa kambal. Sila pala yung kambal na kapatid ni Ate Cha.
"Next, Kim Fajardo!"
Tinignan ko naman siya at siya raw ang future setter ng team.
"Mika Reyes!" Pakilala naman niya sakin at ngumiti lang ako sa kanila. Medyo nakakahiya pa kasi eh.
"And next-- Wait lang po."
Natigil ang pagsasalita ni Ate Aby nang may sumigaw mula sa itaas ng bleachers. Nakatingin lang kami sa kanya. Sino kaya yun? Hindi namin masyadong matanaw ang mukha niya dahil natatakpan ng bangs niya ang mukha niya.
"Hello po." Nahihiyang sabi ni Ara.
Wait, sino nga ulit?
"Ara?!" Sabi ko at napatingin siya sa akin.
"Mika!" Tawag naman niya sa akin at ngumiti.
"Naks! Parang sa movies lang ah." Rinig ko namang sabi ni Kim at tinawanan ko na lang.
"Magkakilala na kayo?" Tanong naman ni Ate Aby samin.
"Ah, opo. Kahapon ko lang sya nameet." Sagot ko naman.
"Ah. Yun na yung--" Magsasalita pa sana 'tong si Cienne kaya agad ko ng tinakpan ang bibig niya.
"Daldal naman." Bulong ko at pinandilatan ko siya ng mata.
"Peace." Bulong niya with peace sign pa.
Maya-maya ay inannounce na Coach Ramil kung twing kelan ang practice namin every week. Excited na ako kasi ito talaga pangarap ko, ang makapaglaro sa UAAP! Dinismiss na rin kami ni Coach kaya uwian na.
Nakita ko namang palabas na si Ara ng gym kaya agad ko itong hinabol para sabay na rin kaming makabalik sa dorm namin.
"Uy!" Tawag ko dito at lumingon siya sakin. "Di mo man lang sinabi sakin na Volleyball player ka din pala?"
"Eh, di ka rin naman nagtanong at malay ko rin bang parehas pala tayong player." Natatawang sabi sakin ni Ara. "Tsaka medyo nahihiya pa ako sayo."
"Ara! Wag ka mahiya jan!"
Napalingon kaming parehas sa likod namin at si Kim pala yun. Sira talaga eh.
"Oo. Dapat sya pa nga mahiya sayo eh." Sabat naman ni Carol. Magkakasabay kasi sila ni Kim kaya ayun, bale magkakasabay na kami ngayon pabalik ng dorm.
"Ganun ba?" Tanong naman ni Ara sa kanila.
"Oo!" Langya! Sabay-sabay na sagot nila.
Nakitawa na lang ako sa kanila dahil ako na naman ang trip nila.
After a while, nakarating na kami sa dorm namin at naghiwa-hiwalay na kaming lahat. Pagkarating namin sa dorm, agad na kaming pumasok para makapagpahinga. Nang matapos na evening rituals namin, rekta na kaming kwarto.
I think tomorrow will be a long day. Start na rin kasi ng class ko sa iba kong subjects and baka magpatraining na rin si Coach bukas. Isang araw na nakakapagod na naman ito.