Ngayon ang araw na aalis na sila Ara at Mika sa Pampanga.
Ara's POV
"Pa, Ma, aalis na po kami ni Mika." paalam ko at niyakap ko sila. "Oy Kuya Jun, alagaan mo sila Mama at Papa ha?"
"Para ka namang pupunta ng ibang bansa nyan Ara." pang-aasar ni Kuya saken. "Ye, si Ara ha? Ingatan mo 'to tsaka bantayan mo din baka may manligaw jan."
"Ano ba yan Kuya Jun!" sabay batok ko sa kanya at kitang-kita ko naman na nasaktan siya dun HAHAHA!
"Oo naman Kuya Jun. Iingatan ko 'tong twin sis mo. Tsaka babantayan ko na din, alam mo naman ang panahon ngayon, mahirap na." sabi niya at nagkibit balikat. Sira talaga 'tong Daks ko.
"Ikaw muna bahala dyan kay Ara ha?" paalala ni Mama kay Mika at tumango naman siya at niyakap niya din sila Mama.
After nun, it's the time na para umalis. Sumakay na kami ni Mika sa kotse at nakita ko ang family ko na nagwa-wave sa amin kaya nagwave din kami ni Mika. Pagkatapos nun, umalis na kami ni Mika.
"Hay, ako naman ngayon ang kakabahan!" sigaw ko at nag inat-inat.
"Shh. Wag kang kabahan Tomsy. Okay?" sabi niya at hinawakan niya yung kamay ko. "Wait, buksan ko lang 'tong radio ko."
"Great Idea Daks! Pantagal kaba yan. Soundtrip." masaya kong sabi. Binuksan ni Mika yung radio at ang ganda naman nung kanta. FLY WITH ME by JBrothers!
"If it's you and me forever? If it's you and me right now.." kanta ko.
"That'd be alright." sabay naman sakin ni Mika.
"Peter Pan and Wendy turned out fine. So, won't you fly~ Fly with Me." duet namin ni Mika.
"Ara, will you fly with me?" seryosong tanong ni Mika. Hinawakan ko yung mukha niya.
"Yes Daks, i'll fly with you. We'll fly together." sagot ko.
"Yan ha? Wag na kabahan okay?" tanong ni Mika at tumango ako.
.
.
.
.
.
.
.
"Ate Mika!! Ate Ara!!" salubong ni Miko sa amin. "Yehey! Buti bumisita ka dito Ate Ara."
Bumeso ako kay Miko at niyakap naman niya ang Ate niya.
"Dun na tayo sa loob mag-usap." sabi ni Mika at tiningnan niya ko tapos binigyan niya ako ng look na "lets go" kaya sumunod na din ako.
"Look who's in the house!!" bungad sa akin ni Kuya Perry. "The monster Ara Galang!"
"Huy di yan monster." saway ni Mika sa kanya. Kaya natawa na lang ako.
"Ara, buti nakapasyal ka dito sa amin. Matagal na namin gustong ma-personal ka." sabi ng Mommy ni Mika.
"Onga Ate! Sabi ko kase dati kay Ate Mika dalhin ka dito. Buti na lang may sasakyan na siya eh." nakangiting sabi ni Miko at niyakap si Mika.
"Uyy.. Pakainin niyo na si Ara. Gabi na din oh?" sabi ng Daddy ni Mika. Sumunod na rin ako sa mesa at tumabi ako kay Mika.
Nagsimula na kaming kumain. Enjoy naman kasama yung family ni Mika. Nagtatanong din sila tungkol sa mga nangyayare sa Taft.