Mika's POV
Pagkagising ko, agad akong pumunta sa kusina para magprepare ng breakfast namin ni Ara. Tulog pa siya, mukhang masarap ang tulog.
Bigla namang nagring ang phone ko kaya kinuha ko ito. Number lang ang lumabas sa phone ko, sino kayang kumag ang may nakaalam ng number ko.
"Hello. Who's this?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Mika, please forgive me."
Holy shit, si Joseph ba 'to?
"Jo--"
"Mika, this is Joseph. Please.. forgive me na."
What? Paano niya nakuha ang phone number ko?!
"Mika.. Let's talk." Seryosong sabi niya.
"Stop Joseph, wala akong time para dito." Matigas kong sabi sa kanya.
"Please, Mika?"
Wala talaga ako sa mood na makipag-usap pa sa kanya kaya inend ko na ang tawag, nagsasayang lang siya nagload sakin.
"Hay bwiset na yan." Bulong ko at ipinagpatuloy ang paghahanda ng breakfast namin ni Ara.
"Good Morning Ye!"
Halos magulat naman talaga ako kay Ara na nakatayo na sa may hagdan.
"Hey, goodmorning." Cold kong bati.
Lecheng 'yan. Pati pagbati ko kay Ara ng goodmorning, nawalan ng gana.
"Bakit ganyan mukha mo? Aga-aga uy." Nakangiting sabi ni Ara.
"Wala lang yan, kumain na lang tayo." Sabi ko at pinilit kong ayusin ang sarili ko baka magtaka pa 'tong si Ara.
"Naks! Ikaw nagluto?" Tanong niya at umupo na sa mesa.
"Oo, may iba pa bang taong nandito?" Sarcastic kong tanong at tumawa lang siya.
Sinimulan na naming kumain at mukhang nagustuhan naman ni Ara ang niluto ko. After nun, nagprepare na kami for class.
"Ano Ara, see you later?" Tanong ko sa kanya.
Nandito na kasi kami ngayon sa campus. Ihahatid ko nga sana siya ulit kaso wag na lang daw, ako pa ang mahassle.
"Sige, see you!" Sigaw naman ni Ara sakin at naglakad na ako papasok sa building ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Ara's POV
Parang iba ang aura ni Mika ngayon, medyo distracted siya. Feeling ko may something talaga doon sa narinig ko kanina sa dorm. Hindi ko sinabi sa kanya na narinig ko ang usapan nila nung taong tumawag sa kanya. Ayaw ko naman kasi ungkatin pa yun, baka sarili niyang problema yun at hindi na ko makikialam pa. Pero kahit na ganun, hindi pa rin mawala sakin na di mag-alala sa kanya.
"Ara!"
Napatingin naman ako sa harap ko at si Kim pala 'to.
"Kumusta?" Tanong ko at nagfist bump kami.
"Ayos lang, ikaw?"
"Ayos lang naman." Sagot ko habang nakatingin sa malayo.
"Pero seryoso, ayos ka lang ba talaga? Baka nabugbog ka na ni Mika ah." Natatawang sabi naman ni Kim.
"Huy, hindi pa naman noh." Sagot ko naman.
After naming magtawanan dito, pumasok na kami sa klase namin baka malate pa kami, yare kay Prof!