Chapter XV: She's Silently Jealous

2.2K 35 3
                                    

Ara's POV

After 2 months..

Two months na ang nakakaraan pagkatapos namin magbakasyon sa China. Hinding-hindi ko malilimutan yun, unforgettable eh.

Si Mika, ganun pa rin. Pagbalik namin dito, siguro after 2 days gumagala na naman kasama yung mestizong lalake. Tss, oo na! Nagseselos na nga ko dahil nawawalan ng time si Mika para sa aming mga kaibigan niya. Baka kung ano ang iniisip nyo ha?

"Guys, gala tayo ngayon." sabi ni Cienne

"Onga, si Mika lang laging lumalakwatsa sa atin." sabi naman ni Camille na nakasandal sakin

"Basta libre nyo pagkain sa mall?" tanong ni Kim at tumango naman ang kambal kaya agad siyang naligo

"Ikaw Ara, game ka?" tanong ni Cams sakin

"Ofcourse! Hinihintay lang kita umalis sa pagkakasandal mo sakin." nakangiti kong sabi kaya umalis agad siya

"Hihi sorry naman."

Naligo na ako at nagprepare na. Apat lang kaming gagala ngayon, wala kasi si Mika kasama na naman niya yung mestizo niyang kaibigan. Tsk!

"Hoy Ara! Bakit ka naman nakasimangot dyan ha?" niyugyog naman ako ni Kim. Nandito na din kami sa mall. Nag-order na din si Cienne

"Psh. Bakit kailangan ba lagin---" nahinto ako sa pagsasalita ng makita ko si...

"Pre, si Carmela ohh." turo ko kay Kim at tumingin naman si Kim

"Huy wag mo nga ituro. Mamaya mapansin tayo niyan." sinaway naman ako ni Kim at nakatingin pa rin siya kay Carmela

"Hey you're drooling Kim. Please naman." sabi ni Cams. Napahawak naman si Kim sa bibig niya at natawa naman si Camille. "Hahaha uto-uto!"

"Hahaha nakakatawa yung mukha mo pre. Mukhang ewan haha!" sabi ko at humagalpak naman kami ng tawa ni Camille. Tiningnan naman kami ng masama.

Hahaha

"What's so funny guys?" nandito na pala si Cienne dala yung mga order niya

"Si Kim kasi Kambal mukang abnormal eh." natatawa pa ring sabi ni Cams

"Nakita kasi si Carmela eh." sabi ko naman

"Ahh kaya pala. Alam mo ba Ara yang si Kim pag natutulog laging sinasabi yung 'Carmela, pwede ba kitang ligawan?' tumawa naman bigla si Cienne at nagfacepalm naman si Kim

"That's true Ara. Hindi nga kami pinapatulog nyan sa sobrang kakatawa eh!" kwento naman ni Cams

"Shit Kim!" mahina kong hinampas yung balikat nya. "Haha ligaw panaginip ka lang pala haha!!" sobra sobra na talaga tawa ko

"Magsitigil nga kayo. Kumain na tayo." saway ni Kim sa amin

"Sarap ikwento neto sa training naten bukas hahaha!" sabi ni Cienne

"Ano ba gusto nyong gawin ko para tumigil kayo ha?" tanong ni Kim sa amin at napaisip naman kami

"Shet Kim. Mag jumping jack ka papunta kay Mela!" sabi ni Cams at humagalpak na naman ng tawa. Grabe! Di ko ma-imagine yun. Nakakahiya kaya XD

"Leshe kayo." sabi ni Kim na sumusubo ng french fries

"Buset na utak ni Kambal yan. Bat mo naman naisip un?" natatawang sabi ni Cienne

"Ganto na lang, libre mo kami ng sine." sabi ko. Wala kasi akong ibang maisip

"Yun na lang Kim. Matutuwa pa kami." sumang ayon naman si Cienne sakin

Most Valuable Prend~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon