Chapter XXXVI: Busted

1.3K 25 1
                                    

[Same Day]

Meanwhile at Mika's company

Mika's Pov

Hinintay lang namin matapos ang therapy kay Camille at dumaan agad kami ng dorm namin para magpalit ng damit.

"Kambal naman kasi bat ang tagal ng therapy mo?" nakasimangot na tanong ni Cienne.

"Malay ko ba? Sana tinext nyo na lang ako para nakaalis na kayo ni Yeye kanina pa. Para susunod na lang ako." sagot naman ni Mil mula sa kwarto nila.

"Dalian nyo na lang kaya jan para makaalis na tayo. Away pa eh!" sigaw ko naman mula sa sala baka mauwi pa sa away at hindi pa kami makaalis.

Nagsasapatos na lang kasi ako tapos yung dalawa, ayun pa di matapos kakakuha ng kung ano-ano sa kwarto nila. Eh balak ko nga mag-coffee nga lang eh.

-

"Hmm.. Sarap naman ng frappe dito Ye!" malakas na banggit ni Cienne.

"Ye, at san mo naman 'to nalaman ha?" tanong naman ni Camille.

Nandito na nga kami sa isang cafè resto na laging naming pinupuntahan ni Kuya pag may libre akong oras.

"Kay kuya Perry lang." sagot ko at nagsip ako ng frappe ko.

Tiningnan ko naman ang kambal na mukhang nasarapan talaga sa iniinom nilang frappe ngayon at busy din sila sa cellphones nila dahil may free wifi nga naman dito sa resto kaya binuksan ko din yung wifi na phone ko at nag surf na ng kung ano-ano.

Tiningnan ko naman yung Twitter ni Vic kung meron siyang tweets about sa gala nila ni Kim. Kaso wala eh, pero may picture akong nakita na meron silang kasamang isang babae kaya agad ko naman pinindot un para lumaki yung picture.

"Unexpected to see @VSGalang and @kimfajardo9 . Anyways, I hope to see you again guys!"

Yun yung nakalagay sa tweet nung babae.

Hmm, Bang.. Pineda?

"Uy! May kakilala kayong Bang?" agad kong tanong sa kambal na ikinagulat naman nila.

"Di mo ba kilala yun?" tanong naman saken ni Camille.

"Naku kambal naman, di ba obvious?" tanong naman ni Cienne at nakakunot pa ang noo.

"Eh sino nga yun?" muli kong tanong. Badtrip 'to mga kasama ko puro tanong din eh.

"Nakalaban na natin yun eh." sagot naman ni Cienne at nagsip ng frappe niya.

Talaga? Di ko matandaan.

"Ang lakas nga nyan eh. Open spiker ata yun." dagdag naman ni Camille.

"Ahh! Yung taga Adamson?" malakas kong tanong.

"Tumpak!" sabay na sabi ng kambal at nag-apir pa sila.

Natahimik ako sandali at muling nagsalita si Camille.

"Bat Ye?" panimula niya, "Nakita mo yung pic?"

Tinaas ko naman yung dalawang kilay ko bilang sagot.

"Ahh~ Don't tell me you're jelly?" muli nyang tanong.

"Di.. naman." sagot ko. Bakas na bakas na medyo nagseselos ako.

"Hay naku.. Text ko na sila para umuwi na yung dalawang yun. At para matigil ka naman sa pagiging jelly mo." sabi naman ni Cienne. Sus, jelly din sya eh kaya papauwiin na nya si Kimmy. Lel.

Cienne's POV

Lumabas muna ko ng cafe at tinawagan ko agad si Victo para malaman kung san sila pumunta at nang malaman kung malapit lang din dito sa pinuntahan namin ay pinasunod ko na lang sila para sabay-sabay kaming umuwi. Loko ko sa dalawang yun, mangch-chix lang pala. Tsk!

Papasok na ko nang bigla may natanaw akong dalawang lalake na nakatayo sa pwesto namin at kausap ata si Yeye kaya nagmadali naman ako pabalik dun.

Nang palapit na ko ng palapit, na mumukhaan ko yung dalawang lalake.

Ahh.. "The Phenom." sambit ko at nilapitan ko na sila.

"Ye, on the way na daw sila." basag ko sa pag-uusap nung dalawa. Tiningnan naman ako ni Yeye pagkasabi ko nun.

"Oh, hi!" sabi ni Kiefer pagkaupo ko. "The other twin."

"Hello!" nahihiyang sabi naman nung isa. Sino ba 'to? Siguro kapatid nya.

"By the way, he's my younger brother, Thirdy." sabi naman ni Kiefer at tumango-tango na lang ako.

"Guys, kanina pa ba kayo dito?" tanong ni Kiefer.

"Yeah, actually mag-iisang oras na nga kami dito eh." sagot naman ni Mika.

"Would want to make it 2 hours? Libre ko kayo?" alok ni Kiefer. Ayos din 'to eh. Yan ang moves ng guys pag gustong maka hang out ng matagal ang mga gusto nila. Geez, Ravena Moves.

"What'd you think?" tanong ng kambal ko. Nagkibit balikat ako at napatingin naman ako kay Yeye.

"Uhm.." panimula niya at..

"Hey Daks!"

Napatingin kami sa may pinto at nakita naming masayang papalapit si Ara kay Yeye.

"Uyy Tomsy!" tumayo naman si Mika sa kinauupuan niya at sinalubong nya ng yakap si Ara.

Naku naku talaga naman 'tong magsyotang 'to. Kala mo di nagkita kanina.

Sinalubong ko naman si Kim at inakbayan ako. Buti na lang at marunong akong magpigil ng emosyon kasi kinikilig na ko nyan.

"Oy Kiefer!" napansin naman ni Kim si Kiefer. Aba nandyan pa pala yan? Haha!

"Yeah, hi!" tugon naman ne'to. "So, gusto nyo pa ba magtagal dito?"

Nagtaka naman yung dalawa, "Huh? Bakit?" tanong ni Ara na nakaakbay pa kay Yeye.

"I told them na magtagal pa dito, ililibre ko sana sila. If gusto nyo pang magtagal, libre ko na din kayo." sagot neto kay Ara.

"So what? Gusto nyo pa ba?" tanong ni Kim.

Nakita ko namang bumulong si Mika kay Ara at nagkangitian pa. Jusko! Talaga naman.

"Ah Kiefer, siguro next time na lang 'no? Late na kasi eh." sabay turo ni Ara sa labas at oo nga, madilim na.

"Hatid na lang namin kayo?" singit naman nung kapatid nya.

"No no. We can manage naman." sagot naman ni Ara. "Sige sige we need to go na. Bye!"

Nagpaalam na kami at lumabas na kami ng cafe. Kawawang Ravena, busted!

Pumara agad si Kim ng taxi at sumakay na kami. Medyo pagod kaming lahat kaya eto, inaantok-antok na. Pwera lang sa dalawang katabi ko na naglalandian pa. Haha! Kinikilig din talaga ko sa magsyotang 'to eh. :)

Sorry kung matagal bago ako makapag update dito. :)

Three chapters away ending na tayo!!!!

Most Valuable Prend~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon