Chapter XIV: KaRa in China

2.3K 33 0
                                    

Ara's POV

Nandito na kami ngayon sa Great Wall of China. Geez, ang ganda ng view. Tapos ang dami ko pang natutunan. Nakikita daw 'to sa moon. Haha nakapagshare din ako sa inyo haha :D

"Kung nakikita 'to sa Moon, ibig sabihin nakikita tayo dun." nakangiting sabi ni Kim

Binatukan naman siya ni Cienne. "Oo lalo ka na. Kitang kita yung kaitiman mo dun sa Moon." natawa naman kaming lahat dun hahaha sira din 'tong si Cienne.

"Grabe ha." patampong sabi ni Kim at nauna ng maglakad. Haha.kawawa naman.

Naglakad na kami ulit. Grabe ang haba din talaga ne'to. Si Mika naman nakayakap sa braso ko habang kumukuha ng picture.

"Huy Daks! Wag ka nga malikot. Napaghahalataan kang first timer dito eh. Exaggerated masyado."

Tumingin naman siya sakin at inirapan ako. Lalo niyang hinigpitan yung pagkakayakap niya sakin. Kahit na malamig dito, nag-iinit ang pakiramdam ko pag niyayakap niya ako.

Bigla namang may matandang lalaking lumapit sa amin at kinalabit niya ako.

"Hmm?"

"Is she your girlfriend?" nanlaki naman ang mata ko at napansin ko din na napatingin si Mika. "You guys, look perfect to each other. And look at this.." may pinakita siyang picture at tiningnan naman namin ni Mika yun.

"Wow.. this is so beautiful." sabi ni Mika

Napangiti naman ako at tiningnan ko ulit yung matanda kaso nawala na siya.

"Daks, nawala yung matanda oh." sabi ko at hinanap naman ni Mika

"Oo nga Tomsy. Pero ang ganda nung picture natin oh. May sunset." gandang ganda naman si Mika dun sa picture

"Sayo na yan. Itago mo ha?" sabi ko at hinawakan ko yung mukha niya at hinalikan siya sa pisngi.

"Hoy pati ba naman dito? PDA?" sigaw ni Kim at lumayo naman kami ni Mika sa isat isa. Epal kasi tong si Kim lagi na lang kami napapansin.

"Hayaan mo nga kami. Ikaw Kimberly, inggit ka lang kasi hindi sweet si Cienne sayo." sabi naman ni Mika at umakbay siya sakin

"Hoy Mikang, narinig ko na naman yung magandang pangalan ko." ang laki din ng tenga ni Cienne eh hahaha

"Grabe talaga ang hangin noh Kambal? Pati dito sa China nahahanginan kami ng hangin mo. Tara na nga Kim!" sabi ni Cams at inakbayan si Kim.

Mika's POV

Ang ganda talaga nung picture namin ni Ara. Sayang lang kasi hindi kami nakapagpasalamat ni Ara dun sa matanda. Para akong kinikilig pag naaalala ko yung sabi nung matanda. We look perfect daw HAHAHA

"Ms. Reyes.. Kanina ka pa nakangiti jan." Luh si Coach pala

"Ay Coach! Bakit po? May sasabihin po ba kayo sakin?"

"Hmm.. Inlove ka ata Yeye ah?" nakangiti niyang sabi sakin. "Ara!!"

Lumapit naman agad si Ara. "Bakit po Coach?"

Imbes na sumagot si Coach, pinagtabi niya kami ni Ara at nginitian niya kami. "Wag niyong sasaktan ang isa't isa ha?"

Ano daw? Hala wala naman kaming re--

"Sa tingin ko, dun na din kayo papunta. Alam niyo naman siguro kung ano ang sinasabi ko." sabi ni Coach at lumayo na siya sa amin. Naiwan naman kami ni Ara na nagtataka at hindi namin parehas maintindihan yung sinabi ni Coach.

"Ano ba yun?" tanong sakin ni Ara

"Hindi ko alam, Tomsy." yun lang ang naisagot ko

Nandito kami sa isang resto. Well, chopsticks ulit ang gagamitin namin. Buti na lang tinuruan ako ni Daks kung pano gumamit nun.

"Buti nakakain ka ng maayos Mika." sabi ni Cienne

"Syempre si Ara nagturo sakin eh." sinandal ko yung ulo ko sa balikat ni Ara at napangiti naman siya. Aww Tomsy why so cute? Hay eto na naman ang magulo kong feelings.

"Naku Ara, inlove na ata sayo tong si Yeye eh." sabi naman ni Kim na busy sa cp nya

"Sus. Yan na naman kayo." napailing lang si Ara pero nakangiti pa rin siya.

"Bukas na nga pala tayo babalik sa Manila. Kaya sulitin na natin ang last day naten ngaun dito. Mamaya may madadaanan tayong souvenir shop, kung gusto nyo bumili, dun tayo." sigaw ni Ate Abi. Bibili ako ng souvenir para sa family ko tska mga noodle cups. Shemay naman kase ang lasa nun. Sobrang sarap!

Umalis na kami sa kinainan namin at pumunta na kami sa souvenir shop. Namili kaming lahat. Patok na patok yung keychain haha di ba pagpumupunta ka sa ibang lugar yun agad ang binibili tska memorable din ang keychain.

"Daks, dami nyan ha?" sabi ni Ara

"Naku may noodles for sure sa kanya lang yan." sabi naman ni Ate Liss

"Hihi ate Liss naman eh." nagpacute naman ako at si Ara at Kim napailing nlang sakin. Alam kasi nila style ko XD

Nakauwi na kami galing souvenir shop. Nag-iimpake na kami ng mga gamit namin ngayon.

"I just can't believe that we're leaving China tomorrow." malungkot na sabi ni Kim

"Nice Kim! Nagstay lang tayo ng 2 days dito, english speaking ka na?" sabi ni Cienne na nag iimpake na

"Haha pero sa totoo lang, mamimiss ko 'to. Galingan pa natin next season para mag out of town tayo ulit haha!" sabi ni Ara. Sa bagay, ganto kasi ang reward sa school namin pagchampion :)

"Magulat ako Ara, mag MVP ka pa next season ha? XD" sabi naman ni Camille

"Haha oo nga Daks." sumingit naman ako sa kanila. Nagtawanan naman kaming lahat. Marami din kaming napag usapan tungkol sa bakasyon namin ngayon. Hindi nga namin ramdam ang antok dahil siguro last day na namin ngaun at nilalanghap pa namin ang hangin dito sa China. I had so much fun here lalo na dun sa picture namin ni Ara. So pictureperfect!

------

Sorry kung maikli. Mabilisan ko lang ginawa yan eh

Comments and votes uso yan dito :)))

Most Valuable Prend~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon