Chapter XXVII: Confession

1.8K 40 4
                                    

Continuation nung kay Ara..

Ara's POV

"Jeron, Thomas.." tiningnan ko muna sila. "Si Mika kase.. ano eh.."

"May bf na ba si Mika?" hysterical na pagkakasabi ni Jeron.

"Dude, easy lang." pagpapakalma sa kanya ni Thomas.

"Si Mika.. Girlfriend ko siya." mabilis kong sabi at yumuko ako.

Natahimik kami at bigla kong naramdaman na may humawak sa ulo ko.

"Ok lang Ara. Halata naman eh." nakangiting sabi ni Jeron. "Kawawa naman tayo Thom, di pa nga nakakadamoves, eh wala ng pag-asa agad. Tsk!"

"Anong tayo?" tanong ko kay Jeron at tumingin din ako kay Thomas na medyo namumula.

"Haha! Si Thomas din kase may crush sayo yan. Kaso wala na eh, taken na ng crush ko." natatawang sabi ni Jeron.

"Hehe.. Pero sabi ko naman kay Jeron na pag naramdaman namin na wala talaga eh, titigil kami." paliwanag ni Thomas.

"Eh paano si Mika? Nagalit ata siya eh." sabi ni Jeron.

"Ako na bahala dun." sagot ko sa kanya.

"Tell us lang if you need our help, okay?" sabi ni Thomas at naghi-5 kami.

"Sige. Una na ko Je at Thomas." paalam ko sa kanila at nagpaalam na din sila sakin.

Pagkarating ko sa dorm, nakita kong nanunood sila Kim at Kambal sa sala.

"Si Yeye?" tanong ko.

"She's in your bedroom." sagot ni Kim. Aba! Parang bago yun ah?

"Hanep Kim! Ingles speaking ka na ngayon?" pang-aasar ni Cienne kay Kim nang biglang nagring ang cp ni Kim.

"Hmm.. Sino kaya yan?" nakangising saad ni Cams.

"Eh sino pa? Edi si Mela!" sigaw ni Cienne.

"Whoa! Nice move Wafs!" komento ko.

"Nice move ka dyan, ayusin mo muna prob nyo ni Yeye. Busangot na naman yun." sermon sakin ni Kim.

"Oo na po." sagot ko at umakyat ako agad ng kwarto namin.

Pagpasok ko nakita kong tulog na si Mika at mukhang di nakapagshower.

"Nako Yeye.." sabi ko at lumapit ako sa higaan niya. Umupo ako at inayos yung buhok niya.

Most Valuable Prend~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon