Chapter I: Welcome to DLSU :)

5.1K 61 3
                                    

Ara's POV

First day of registration of enrollees sa La Salle ngayon at sobrang excited na ako dahil dream school ko ito.

Hmm, saan kaya ang registrar dito?

Habang naglalakad ako, may nakasalubong ako na mukhang mabait at maganda na rin kaya tinanong ko ito.

"Miss..  Alam mo po ba kung sa yung registar office dito?" Tanong ko at ngumiti.

"Sorry Ate, hindi ko rin alam. Bago lang kasi ako dito." Sagot ni Ateng maganda.

"Ah, sige po. Salamat na lang." Sabi ko at umalis na.

Nakakaloka naman 'tong school na 'to. Sa sobrang laki ng neto, halos walang nakakaalam kung saan ang Registrar.

Naglakad muli ako nang biglang..

"Aray!"

Napapikit ako dahil medyo masakit ang pagkakatama sakin. Mukhang lalake 'to dahil dama ko ang laki ng braso niya.

"Oops, sorry Miss."

At sabi na nga ba, lalake nga at dagdag mo pang ang tangkad niya. Juicecolored.

"Ok lang." Sagot ko naman at ngumiti.

"Sorry talaga ah? Nagmamadali lang." Sabi naman niya at ngumiti rin. Infairness, ang gwapo ni Kuya.

"Sige po. Alis ka na." Sabi ko naman at muling ngumiti.

Sayang, kung hindi lang masyadong nagmamadali si Kuya, tatanungin ko pangalan niya. Haha!

Sa sobrang pagod ko sa paglalakad kahahanap kung nasaan ang Registrar, umupo muna ako sa bench na malapit sa kinatatayuan ko.

Magsasalita na sana ako nang biglang nagthumbs up si Ate na maganda, senyas na pwede akong makitabi sa kanya. May kausap kasi siya sa phone kaya naman medyo umiwas na lang ako ng tingin para hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.

After two minutes, natapos ang tawagan session ni Ate Ganda sa kausap niya sa phone. Tinignan ko siya at mukha namang matagal na siyang student dito, kaya naman magtatanong na ako sa kanya.

"Miss?" Tawag ko sa kanya at tumingin naman siya. "Pwede magtanong?"

"Hmm, ano yun?" Tugon niya sa akin.

"Alam mo ba kung san yung registrar?"

"Di nga rin eh." Sabay simangot niya. "Pero mag-eenroll ka ba?"

"Ahh, oo mag-eenroll din ako." Sagot ko at ngumiti.

"Kung ganun, sabay na tayo." Sabi naman niya at tumayo na siya.

Tumayo na rin ako at sinundan lang siya. No choice eh, kesa naman tumunganga lang ako doon.

Halos isang oras na kami naglalakad dito pero hindi pa rin namin makita yung bwiset na registrar na yun. Grabe, ngayon lang yata ako nakaencounter na sobrang tago ang registrar office.

Hindi ko rin maiwasan na baka inililigaw lang din ako neto. Based on her looks, mukhang matagal na siya dito sa La Salle. Hindi kasi siya mukhang froshie.

"Ate, kanina pa tayo naglalakad ah?" Tanong ko sa kanya at patuloy pa rin kami sa paglalakad.

"Eh..  Malapit na tayo." Sagot niya na hindi tumitingin sakin.

"Ahh." Sabi ko na lang kunware. Pero feeling ko talaga, may balak na to--

"Ano? Baka kung ano-ano iniisip mo ah." Napatigil ako sa paglalakad ng medyo tumaas ang pananalita niya.

"Baka kung ano gawin mo sakin." Sagot ko at napakamot na lang ako sa batok.

"Huy! Asa ka naman!" Sabi niya sakin at tumalikod.

"Malay naten." Sagot ko at tumawa ng mahina.

"Itong mukhang toh?!"  Tanong niya sa akin at napatingin naman ako sa mukha niya. "Mas muka pa kong inosente kesa sayo eh."

Hindi ko mapigilang tumawa sa itsura niya, masyado siyang seryoso.

"Joke lang." Sabi ko naman at naglakad na.

Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw.

"Ayun na yung Registrar oh."

Napatingin ako sa kanan ko at sa wakas legit na 'to. Nakakaloka ng bongga 'tong Registrar ng La Salle, medyo pabebe rin.

Pumunta na kami doon at pumila.

"Ikaw na mauna." Sabi ko at inilahad ko pa ang mga kamay ko.

"Ikaw na." Sabi naman niya sakin.

"Ikaw na lang." Sabi kong muli at hinatak ko ang kamay niya.

"Ikaw." Sabi naman niya sakin at halos itulak naman niya ako.

Para kaming tanga na paulit-ulit lang dito, hindi malaman kung sino ang mauuna.

"Mga ate! Mag-enroll na kayo. Haba pa ng pila oh."

Napatingin naman kami sa Kuyang nagsalita mula sa likod namin.

"Ah eh, sorry kuya ah?" Pasensya ko na lang at pumila na ako.

"Kulit kasi eh." Bulong sakin ni Ate at tumawa.

"Okay lang. Gaganda nyo naman eh." Sabi naman ni Kuya.

Aba aba, nagpacute pa 'tong si Kuya.

"Salamat po." Sabay naming sabi at medyo nagbow pa nga ako eh. Sobrang Galang lang.

After 30 minutes, nakaenroll na rin kami. Tuwang-tuwa naman akong lumabas mula sa Registrar na yun.

"Yes! La Salle! Here I go!" Sigaw ko pero wala namang nakarinig except sa kasama ko.

"Wow ah?" Panira naman niya at inirapan ko lang siya.

"Ingay mo eh." Sabi niya.

"Ano naman?" Pagtataray ko at inirapan ko siya ulit.

"Sorry po." Mala-Chichay na sabi niya at tumawa.

"Tss, hindi bagay." Sabi ko naman at tumawa.

"Epal ka din 'no?"

"Hindi naman." Sagot ko at naglakad kami palayo sa Registrar.

"Well, malapit na palang dumilim. I have to go home na." Sabi niya at napatingin naman ako sa langit.

"Oo nga noh." Sabi ko naman.

"See you around?" Tanong niya at napatingin naman ako sa kanya.

"See you!" Sagot ko at ngumiti.

Nagpaalam na siya sakin at ako naman tinignan ko lang papalayo sa akin. Infairness, ang ganda niya. Hindi ko akalain na Froshie rin pala siya.

Pero nasabi ba niya pangalan niya?

Shit, sayang naman oh. Ang tagal naming magkasama. Hindi ko man lang naitanong! Epic!

Pero thankful na rin ako na may nakasama na ako dito sa La Salle. Alam kong medyo malaki ang La Salle para samin pero aasa akong makikita ko siya ulit.

Most Valuable Prend~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon