Chapter XVIII: Loss

2K 37 2
                                    

Mika's POV

Haist! Grabe lang yung prof namin kanina, pakantahin daw kami isa-isa?! Nakakahiya lang. -___-

"Shemay nakakahiya talaga! Di pa naman ako kumakanta." sabi ni Cienne habang inaayos yung gamit nya

"Haha kaya nga eh. Parang si Anne Curtis lang" asar ko sa kanya at hinampas ako.

Naglakad kami papunta ng gym nang may nakita kaming nagkukumpulang mga babae sa may labas ng gym.

"Ye, ano yun?" tanong sakin ni Cienne at binigyan ko sya ng look na hindi ko alam. "Makichismis tayo haha!"

"Loka di pwede. Pagalitan pa tayo ni Coach jan." sabi ko at may narinig naman kaming mga babaeng nagkukwentuhan

"Grabe ang cute ni Ara at Thomas! Tingnan mo oh!" - Girl 1

"Haha bagay sila pramis!" - Girl 2

"Ye, nandun ata si Ara eh?" sabi sakin ni Cienne at hinatak nya ako papunta dun. Ang sakit naman nun! Kung alam lang nila mas bagay kami ng Daks ko.

Nang makarating kami, nakita ko si Ara at si Thomas na pinagkukumpulan ng mga tao. Mga nagpapapicture sa kanila. Nakita naman kami ni Ara at bumulong siya natulungan daw namin siyang makaalis dun.

Ara's POV

Hanep yan. Napagkaguluhan pa kami ni Thomas. Iba na talaga ang sikat HAHA just kidding! Sabi nila bagay DAW kami, EWW lang guys! Di kami talo nun.

"Thank you ha? Buti nandun kayo." hingal na hingal na sabi ko

"Haha wala yun. Bakit ba kayo magkasama nung Thomas na yun?" tanong ni Cienne na nagsisintas ng sapatos

"Nagkasalubong lang kami tapos nagkamustahan lang tapos bigla na kaming pinagkumpulan dun." paliwanag ko

"Training na daw." medyo cold na sabi ni Mika. Kanina pa tahimik yan. Baka may prob sya.

"Nice Ye! Yan ang gusto ko. Quick kung quick!" sigaw ni Coach sa may bench

Nakakapanibago si Mika ngayon. Seryoso masyado. Block kung block, spike kung spike. Astig!

"Pano ba yan? Kami naman ang panalo?" asar ni Kim sa amin

"Wala eh. Lakas ni Reyes!" tapik ni Cams sa kanya at ngumiti lang si Mika

"Nice Ye! Seryoso ka masyado ngayon ah." sabi ko at tumabi ako sa kanya pero di nya ako pinansin.

Natapos na kami magshower at niyaya naman kami ni MotherF na kumain sa resto dahil bukas game na namin kaya sumama kaming lahat.

Nag-order ang mga seniors namin at kami naman humanap na ng sari-sariling tables.

"Ye, dito oh?" alok ko kay Mika kaso di nya ako pinansin at umupo sya sa ibang table.

"Bad shot ka dun fre ah." sabi ni Kim at tumabi sya sakin

"Di ko magets si Mika. May problema ba yun?" tanong ko

Uminom muna si Kim at nagsalita na. "Problema agad? Diba pwedeng meron muna?" natatawa nyang sabi

"Peste. Seryoso kasi Kim. Kayt meron yan, di naman sya ganun diba?"

"Ara naman, kung ang climate naten nagbabago, tao pa kaya?" uminom ulit siya. "Tsaka yang si Mika, babae din po yan. Alam mo naman ang girls ay moody di ba?"

Di na ako sumagot at tiningnan ko na lang si Mika pero umiwas siya ng tingin sakin. Wag naman sana nya ko iwasan, di ko naman kaya yun.

Nandito na kami sa kwarto namin. Wala pa ring imik si Mika sakin. Natulog agad siya pagpasok niya. Sana naman ayos na kami bukas, game pa naman namin bukas.

Next Day...

"Guys, its our 1st game. We need to win this okay?" sabi ni Coach sa amin at tumango naman kaming lahat.

"One Team Fight!" sigaw ni Ate Abi sa huddle namin

Pumunta na kami sa court at nagstart na ang game. Medyo hirap kami. Di namin alam kung bakit pero sabi ni Coach samin naninibago lang kami.

Nakahabol na kami sa 3rd at 4th set. Medyo napagod dn kami sa paghabol kaya bago magsimula ang 5th set kinausap kami ni Coach.

"Eto lang dapat nating gawin, FOCUS lang, okay?"

"Yes Coach!" sigaw naming lahat. Nang biglang tumawag sakin at napalingon naman ako.

"Ara!" ah si Thomas pala. "ANIMO!" sigaw nya kaya napatingin naman yung ibang kateammates ko, nginitian ko lang si Thomas dun.

Mika's POV

Tss! Kailangan may pa ganun-ganun pa? Si Ara naman parang nagustuhan pa yun. Nakakasira ng focus! >____<

"Mika! Block! Ano ba yan? Focus nga eh!" sigaw ni Coach. Hanggang sa natalo na kami. Tsk! Lagot kami neto kay Coach. Naiinis ako kay Thomas at kay Ara!!

Nakauwi na kami ng school at nandito kami sa gym ngayon. Kakausapin daw kami ni Coach.. Paktay :-|

"Ano bang problema nyo ngayon? Kulang kayo sa depensa at atake. Lagi naman tayong nagttraining eh." sermon ni Coach samin. "At kayo Ara at Mika, may problema ba kayo ha?" turo ni Coach saming dalawa at umiling naman kami. "Kung may mga personal na problema kayo, wag nyong dalhin dito. Dahil ang nandito tayo para magtraining. Abi, ikaw mag-ayos nyan." umalis agad si Coach at kinausap naman kami ng capt namin.

"Guys.. Kalimutan na natin yung nangyare kanina. Isipin natin kung paano tayo mag-aadjust for our next game. Kaya bukas, maaga training naten ha? Mga 7am nandito agad. Is that clear?"

"Yes Capt!" sagot naming lahat at palabas na sana ako nang tawagin ako ni Ate Abi.

"Ano yun?"

"Tama si Coach. Kanina pa kayo di nag-iimikan ni Ara. Alam nyo namang ayaw ni Coach nang ganun di ba?" tumungo lang ako at tinawag naman nya si Ara. Lumapit naman agad siya.

"Gusto ko ayusin nyo problema nyo o kung anuman yan. Dapat pagbalik nyo ng dorm, ayos na kayo, okay?" tumango lang kami. Lumabas na si Ate Abi sa gym at kami na lang ni Ara ang natira.

"Mika may problema ba tayo?" lumapit siya sakin at tinabihan ako

"Ara.. ako lang ata may problema dito eh."

"Ano ba yun? Baka matulungan kita o kaya parehas lang pala tayo ng pinoproblema."

"Ara kasi..."

---------

Bitin po muna. Kahit medyo alam nyo na yung mangyayare pero baka malay nyo hindi pala yun ang mangyayare :)))

Nga pala, dun pala sa scene na nagalit si Coach Ramil, totoo po yun. Nabasa ko kasi sa Uaap Mag yun eh. Pinagalitan daw talaga sila especially yung seniors. Share lang po :)))

Anyways.. Marami daw haters si Yeye because of Miefer?? Haist!! Di ko din gusto yung Miefer eh, JeMik at KaRa lang ako pero sana naman wag idamay si Yeye :( kay Kiefer na lang kayo magalit LOL Peace guys!

Comment and vote naman dyan oh? :)

Most Valuable Prend~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon