Oneyearlater..
Kim's POV
"Hey!" I shouted. "Guys, let's go! Magagalit sakin yun pagnalate tayo. May lakad pa naman tayo after nun."
"Oo sandali lang." sabay sabay nilang sabi. Haayyss.. Dun lang naman kami pupunta kailangan nakajaporms pa?
"I know what you're thinking, Kimmy. Please,konting hintay lang magsasapatos na po." sabi ni Cienne at sabay halik sa pisngi ko.
Haha! Medyo kinilig ako. Well, kung hindi niyo alam.. Kami ni Cienney, sorry naman kung ngayon ko lang nasabi sa inyo. Private eh. :)
Tapos na silang magsapatos kaya sinigawan ko ulit sila para sumakay na sa sasakyan.
Habang nagdadrive ako, napansin kong tahimik ang lahat. Tahimik ang kambal at lalong si Mika na nakasandal ang ulo sa salamin at nakapangalungbaba.
"Ye, ayos ka lang?" tanong ko at nginitian niya lang ako.
"Chill lang Ye, baka sumabog ka dyan." biro ko sa kanya at napangiti ulit siya.
Maya-maya, nakarating na kami sa pupuntahan namin. Hindi ako sigurado sa pwesto ng pupuntahan namin kaya inikot ko na lang yung buong lugar.
Habang tinitingnan ko ang buong paligid, nakita ko na yung pupuntahan namin kaya pinaandar ko na yung sasakyan at pumunta na sa direksyon nun.
"Vic!" rinig kong sigaw ni Yeye at agad naman 'tong lumapit kay Ara at niyakap.
Syempre pati kami ng Kambal, nakiyakap na rin.
"Aaahhh! Di na ko makahinga guys!" sigaw ni Ara at itinulak naman kami ni Yeye palayo.
"Oooyyy, layo-layo din guys. Mamaya mawalarin 'to sakin." sabi ni Yeye at natawa kaming lahat.
Bumalik ako sa sasakyan para kunin yung mga roses. Tinulungan ako ng kambal para kunin din yung ibang snacks.
"Shiela.. Ay hindi, Bang pala. Uhm, hello. Sorry kung ngayon lang ulit ako.." at tumingin si Ara samin. "Kami nakadalaw sayo. Alam mo na busy kami sa careers namin ngayon. But you know, hindi ko parin makakalimutan na magpasalamat sayo dahil sa sacrifice na ginawa mo para sakin. I know that everything happens for a reason and that reason why you did that is for me and Mika. Alam ko din na you're sorry for what you did to me too.. Pero thank you talaga, Bang."