Ara's POV
"Dito na yung clinic na hinahanap naten." sabay turo ni Kim sa may kanan ko.
Binasa ko yung pangalan nung doctor na nakasabit sa may pinto, "Dra. Maria Pineda."
"Kanino mo naman 'to nalaman?" tanong ko at binuksan ko yung pinto ng clinic.
"Kay Yeye."
Ano daw?
Kay Mika?
"What?!"
"Oh chill," sabay hagod ni Kim sa likod ko. "Di niya alam 'to. Matagal ko ng alam 'to noh, sinabi lang saken nun. Buti nga naalala ko pa eh."
Di na ko sumagot at tinungo ko yung table ng assistant ng doctor at nagreserve na ko ng number ko. Buti na lang at konti lang ang tao dito, after ng tatlong pasyente ako na.
Di ko alam kung kakabahan ako or what. Ngayon lang kasi nangyare saken 'to. Ugh! Sana naman di 'to sakit na mahirap pagalingin.
Natigil ako sa pag-iisip nang biglang nagvibrate ang cp ko. Pag check ko may message si Daks.
Fr: Daks
Tomsy! Dahil may lakad kayo ni Kimmy, kami din ng kambal pwede din ba?
Pagkabasa ko tinanong ko si Kim.
"Kim, nagtext sayo si Yeye?"
"Yeah, gora din daw sila pag pumayag tayo."
"Pwede naman siguro 'no?"
"Oo naman. Ikaw ah? Ayaw mo atang palabasin si Mika ng wala ka."
"Uyy di ah. Basta magpaalam siya saken, papayagan ko siya."
Ibinalik ko na ang tingin ko sa cp at para replyan si Mika.
To: Daks
Ok lang para fair di ba? Just take care of yourselves kung san man kayo pupunta okay?
SEND!
Ibinalik ko na cp ko sa bulsa at sakto namang tinatawag na kami ng assistant ng doctor.
"Dre, tara na?" yaya sakin ni Kim at nauna siyang pumasok sa room ng doctor.
"Hello? Ms?" bungad samin ng doctor. Babae yung doctor so mas magiging komportable ako.
"Hi po! Ako po si Kim at siya naman po si Ara." sabay shakehands nila nung doktor at shempre nakipagshakehands din ako. RESPETO :)
"Doc, siya po yung magpapacheck up." sabi ni Kim at tinuro niya ako.
Agad naman ako umupo sa upuan na nakapwesto sa harap ng table ng doktor.
Agad namang idinampi ng doctor sakin ang stethoscope. Medyo kinakabahan ako, di dahil sa walang tiwala or what, I'm just nervous for what will be the result in this check up.
"Uhm, okay na Ms. Ara." sabi ng doctor at itinabi na nya yung stethoscope niya at nagsulat-sulat na siya.
"Dra. Pineda," tawag ni Kim. "Ano po yung result?"
Tiningnan ako ni Dra. Pineda, kinabahan na naman ako. Nagulat ako dahil bahagya siyang napangiti.
"Hmm, sabi mo nagsuka siya ng dugo?" tanong niya at tumango kami. "Stop worrying and please wag kayong kabahan,"
Na enlighten up naman ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Doctora.
"It is just a symptom of an allergy." sabay ngiti niya. "Kabadong kabado ka Ms. Ara, akala mo ba kung ano na?"
"O-opo Doktora." sagot ko naman.
Narinig ko naman si Kim na parang nailabas ang kaba, "Hooooh!"
Natawa naman ako dun at ganun din si Dra. Pineda.
"Akala ko kung ano na." sabi naman ni Kim.
"Basta tandaan nyo lang na iwasan nyo na ang pagkain na alam nyong magkakaallergy kayo ha? Para maiwasan ang mga ganyan." nakangiting sabi ng Doctor.
Marami-rami pa kaming napag-usapan ni Dra. Pineda. Tungkol sa health ko at health na rin ni Kim. Marami siyang pinaalala samin.
Habang nag-uusap kami, may biglang kumatok kaya naman na patingin kami sa bumubukas na pinto at.. parang kilala ko siya ah?
---
Oyy. Echos ko lang po yung allergy allergy na yun. Hehe :)
Anyways, malapit na tayo sa Ending. Kapit lang guys!!