Chapter XXXIII: Is It Real?

1.3K 26 0
                                    

Two Weeks later..

Mika's POV

Today's our training. So we're expecting na laging mahirap at nakakapagod ang training namin.

Stretching palang kami, napapagod na ako. Nakita ng mga mata ko si Vic na basang-basa ng pawis. She's really hot right now.

"Huy Yeye! Nakatulala ka na naman jan kay Victo!" sabi ni Cienne sakin at hinampas ako sa likod.

"Aww.. haha! Inggit ka lang gurl." sagot ko sa kanya.

Tiningnan ko ulit si Vic na nasa bleachers at umiinom ng tubig. Linapitan ko siya.

"Sst." tawag ko. Tumingin siya at nginitian lang niya ko.

Tumabi muna ako sa kanya dahil break naman namin.

Tiningnan ko ulit si Vic at para siyang nanghihina.

"Are you okay?" tanong ko.

"Yeah. Pagod lang talaga." sagot niya at uminom ulit ng tubig.

Ang weird. Stretching palang parang nanglalamya na si Vic.

Bumalik ulit kami sa training namin. Sabi din ni Coach na kakalabanin namin ang Men's VBall Team ng DLSU.

Nag-stretching ulit kami at dumating na rin ang Green Spikers. Nakipagkamayan kami sa kanila at nag-ayos din kami.

After ng mga stretching at kung anu-ano pa. Tinawag na ni Coach ang First 6 at kasama kami ni Vic dun.

Pumwesto na kami sa court at nagready na.

Kami ang nanalo sa 1st and 2nd set. Di naman kasi kami magpapatalo kahit mga lalake pa sila.

Nagset up ng play ang Green Spikers at kami naman naghahanda ng depensa. Pagpalo ng kalaban, biglang natumba si Vic. Kaya pinuntahan ko agad.

"Vic!"

"Victo!"

"Ara!"

"Guys dalhin natin sa clinic si Ara!" sigaw ni Ate Abi.

Binuhat ko si Vic at dinala ko siya sa clinic at hiniga ko siya sa kama.

Lumabas muna ako ng clinic at sinalubong ako nila Ate Abi at nung nakatama ng bola kay Vic.

"Yeye, gusto magsorry ni Carlo." sabi ni Ate Abi sakin.

"Mika, sorry talaga. Di ko naman sadya yun. Sorry talaga." sabi ni Carlo.

Gusto kong magalit pero di pwede kasi di naman talaga niya sinasadya yun.

"S-sige. Pero magsorry ka din kay Vic, dude."

"Sige Mika. Pag nagising na si Vic agad akong magsosorry sa kanya." nakayukong sabi ni Carlo.

"Ye, ikaw muna bahala kay Ara ha? Kasi sabi ni Coach, ipagpapatuloy pa rin game. Okay?" sabi ni Ate Abi at tinapik niya ang braso ko.

"Sige capt. Ipanalo nyo ha?" nakangiti kong sabi at pumasok na akong muli sa clinic.

Umupo ako sa tabi ni Vic at tinignan ko lang siya.

Bigla namang lumapit sakin ang school nurse.

"Nurse, ok lang kaya siya?" tanong ko at hinimas ko ang buhok ni Vic.

"Sigurado po akong ok lang siya. Hinimatay lang po siya. Kumain ba siya kanina?"

Kumain ba 'to kanina? Di ko kase siya nakasabay nung kumain na ko eh.

Most Valuable Prend~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon