Mika's POV
Two weeks na ang nakalipas after ng Hongkong trip namin. Ganun pa rin naman kami ni Vic kaso nagiging busy na kami.
"Kim, punta tayo ng library." sabi ko at tumayo na ako sa pagkakaupo pero 'tong si Kim di pa rin gumagalaw.
"Hoy Kim." sabay yugyog ko sa kanya at nagulat naman siya.
"Ay! Bakit?" tanong niya.
"Psh. May problema ka ba?"
"Hah? Wala." sagot niya.
"Okay. Samahan mo ko sa library." sabi ko at umalis na kami.
Habang naglalakad kami nakita ko si Vic. Ang dami niyang dalang book kaya tumakbo ako palapit sa kanya.
"Pst. Vic!" sigaw ko at nakita naman niya ko.
"Oh Mika, Kim, san punta niyo?"
"Sa library kaso nakita kita." kinuha ko yung mga libro niya.
"Huy huy, akin na yan." pinipilit na kunin ni Vic sakin yung mga libro.
"Ara naman, yaan mo na si Yeye. Mukhang hirap na hirap ka na nga kanina eh." sabi naman ni Kim. "Punta pa ba tayo sa library?"
"Yeah. Tara Vic, sandali lang naman ako eh."
"Sure."
Pumasok na kami ng library, nagpaiwan sina Vic sa may mga table para makaupo sila at ako naman, hinahanap ko yung libro na kailangan ko sa Psycho.
Nakita ko na yung libro at lumapit na ko sa shelf nang may humawak din sa librong kukunin ko.
"Kuya ako nauna dyan." sabi ko sa lalakeng nakatalikod.
Pagharap nung lalake, "Jeron?"
"Mika, ikaw pala!"
"Ako nga hehe.."
"Uhm, do you need this na ba?"
"Oo eh, nagparesearch kasi prof namin tungkol sa book na yan."
"Ahh, o sayo na lang muna after mo na lang ako." sabay abot niya sakin ng book.