Ara's POV
Ako naman ang maagang nagising today despite of matinding puyat last night. Pumunta na agad ako sa kitchen para mag-isip ng kung anong pwedeng kainin.
"Ano ba pwedeng kainin? Hmm.. punta kaya ko sa Convenience Store?" Bulong ko sa sarili at lumabas na ako ng dorm.
"Spag for breakfast kaya?" Tanong ko sa sarili at kinuha ko na yun. Kumuha na rin ako ng chocolates dahil paniguradong matutuwa si Mika neto.
Pagkabalik ko sa dorm ay ininit ko na yung spaghetti at pumunta ako sa kwarto para gisingin si Mika.
"Mika, gising na." Kalabit ko dito.
"Please!! let go of me!"
Anak ng.. nagulat naman ako kay Mika. Shet, nagssleeptalk pala 'to?
"Huy Mika, gising!" Niyugyog ko na para magising talaga siya.
"Ara?"
"Miks.. are you okay?" Tanong ko.
"I'm fine naman, why?"
"Are you having bad dreams?"
"How did you know?"
"You're sleeptalking kasi."
Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Really? Sorry."
"Ayos lang. Tara breakfast na tayo?"
"Sure!"
Pumunta na kami sa kitchen para kumain.
"Bumili ka pa talaga ah." Sabi niya.
"Gusto ko lang." Sagot ko.
"Salamat ah, bawi ako sayo."
"Sus, welcome!"
Pagkakain namin ay balik sa normal routine namin para pumasok.
"Aww, Vic balik lang ako." Sabi sakin ni Mika.
"Bakit?" Tanong ko naman.
"I forgot my book eh."
"Ano?"
"Yung Psych book ko."
"Samahan na kita."
"No, wag na baka ma-late ka pa."
"Sure ka?"
"Oo naman."
"Sige bye na, bilisan mo rin ah."
Umalis na ko at naglakad na papunta sa La Salle. Nagulat na lang ako nang may kumalabit sakin.
"Miss?" Tawag sakin nung lalake. "Kilala mo ba si Mika Reyes?
"S-sino po kayo?" Nanginginig kong tanong. Eh kasi naman di ko talaga kilala 'to.
"I'm Joseph Marco." Pakilala niya. "Don't worry, I'm a good guy."
"Ah, Ara Galang." Pakilala ko at nagshakehands kami.
"Back to my question, kilala mo nga si Mika?"
Makulit 'tong si Kuya. Kahit na sinabi niyang good guy siya, ayaw ko pa rin. Di ko kasi talaga siya kilala.
"Sorry kuya, but malelate na ko eh." Palusot ko.
"Uy sandal--"
"Sorry talaga, I have to go na." Sabay takbo ko palayo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Hmm, inaalala ko na parang narinig ko na yung pangalan na Joseph kailan lang.
"Ara!" Heto na pala si Mika.
"Oh?"
"May problema ka ba?" Tanong naman niya sakin.
"Wala naman."
"Gym na us?"
Tumayo na ako at naglakad na kami papuntang gym.
"Mika.." tawag ko sa kanya at tumingin siya sakin. "Pwede usap tayo later?"
"Hmm, about what ba?"
"Later na lang." Sabi ko at hinatak ko na siya para mas mabilis kaming makapunta ng gym.
Pagkarating naman sa gym ay nagpalit agad kami ng panglaro. Kanina ko pa nga gusto maglaro eh, tatagal lang talaga magsigalaw ng teammates ko.
"Nice game Ara." Sabi sakin ni Capt Aby.
"Seryoso mo ngayon ah." Sabi naman ni Ate Michele.
Maganda talaga ang naipakita ko sa team lately lalo na ngayon. Gusto ko talaga kasing makapasok sa first 6 ng team para naman proud sakin ang family ko.
Nang matapos kaming magligpit dito sa gym, niyaya ko na agad si Mika na umuwi ng dorm.
"Mika, tanong ko lang." At tumingin siya sakin. "Uhm, may kilala ka bang Joseph.. Joseph Marco?"
Napabuntong hininga lang siya at tumango na parang bata.
"Sino siya?" Tanong ko.
"Ex ko siya Ara." May pagkamalungkot niyang sagot.
"Pero sabi mo wala kang boyfriend di ba?"
"Wala talaga akong boyfriend ngayon Ara." Sagot naman niya.
"Eh paano naging kayo?"
Hindi ko napigilang di magtanong. Curious talaga ako doon sa Joseph na yun.