Ara's POV
2nd day.
Kakatapos lang namin maglunch ngayon at nakakatawa si Mika, napaka priceless ng mukha. Di ko kasi sinabi sa kanya na alam na ng family ko kung anong meron sa amin. Gusto ko kasi mag-open si Mika sa family ko, especially to my parents.
"Dito na lang tayo." sabi ko at agad namang itinigil ni Mika ang sasakyan. "Daks, baba na tayo?" tumango naman siya at bumababa na kami. Nandito kasi kami ngayon sa bahay ng Tita ko. Gusto ko kasing bisitahin at ipakilala kay Baby Josh ang Labs ko. Kilala nyo na yun ah? :)
"Ate Awah!" sigaw ni Baby Josh at tumakbo agad siya palapit sa akin.
"Hello baby! Musta ka na?" tanong ko habang hinahalikan siya sa pisnge.
"Ok lang Ate." sagot niya. "Uhm, Ate Awa, sino siya?" turo niya sa likod at tumingin naman ako.
"Ahh. Si Ate Mika yan. Ka-teammate ko baby." sagot ko at sinenyasahan ko si Mika na lumapit sa amin.
"Bak-- Oh? Hello! Ikaw ba si Josh?" pacute na tanong ni Mika. Tumango naman si Baby Josh at nginitian siya. "Waaah! Ang cute mo baby. Kasing cute mo siya." sabay turo ni Mika sa akin kaya napangiti naman ako.
"Ang cute mo din Ate." sagot ni Baby Josh kaya nag-react naman si Mika.
"Di ka nagkakamali baby." kinuha ni Mika sa akin si Baby Josh at nag-apir sila. "Alam mo baby, yan din ang dahilan ni Ate Ara mo kung bakit niya ko nagustuhan." nakangiting sabi ni Mika at agad ko ding hinampas si Mika pero mahina lang naman.
"Tchalaga po?" agad na tanong ni Baby Josh at tumango naman si Mika. "Hihi! Bagay kayo!" may kasamang giggle yung pagkakasabi ni Baby Josh nun. Kaya medyo nagulat din kami.
"Ganun Baby? Wag ka mag-alala, iingatan ko yung Ate mo." sabi ni Mika sa bata. Ang cute nilang tingnan. :)
"Ate Ara, lika dito!" tawag sakin ni Josh at mas lumapit ako sa kanila. Kinuha niya yung kamay ko at kamay ni Mika tapos pinaghawak kamay niya kami. Tsk! Mga bata talaga haha!
"Ano ba yan Baby? Ang bata mo pa para sa ganyan eh." sabi ko at kiniss ko siya sa pisnge. Nang gigigil kase ako sa kanya eeh.
"Buti pa si Baby Josh may kiss. Si Ate Mika wala di ba Baby?" nakanguso niyang sabi. Psh! Alam ko na yung mga ganyan Mika! Hahaha!
"Ate, kiss mo din siya." utos sakin ni Baby with puppy eyes pa. At binulungan naman siya ni Mika. "Ate, sige na. Sa lips ha?"
Kinurot ko agad yung tagiliran ni Mika at napa-aray naman siya. "Yan kase. Kung anu-ano sinasabi mo sa bata."
"Ate Ara, sige na. Kiss mo na siya. Puhlease?" nagpout pa ang bata. Tsk! Talaga naman!
"Kiss na kase. Kelang--" naputol ang pagsasalita niya ng i-kiss ko siya lips. Sorry guys, dami kaseng reklamo ng Daks ko.
"Tara na Baby?" nakita ko namang nakangiti si Baby Josh. Kinuha ko agad siya at iniwan namin si Mika na parang nagulat. Hahaha! :D
Mika's POV
Just WOW! Ara kissed me. Akala ko di niya gagawin. I got shocked! Pero ayos yun, thanks kay Baby Josh! Hahaha!
Nandito kami ngayon ni Ara sa park. Dito kasi niya gusto pumunta. Dito daw kasi siya lagi pagkatapos ng uwian nya at training nya. Marami rin siyang nai-share sakin na ngayon ko lang din nalaman.
"You really missed this place talaga." komento ko sa ikinukwento niya.
"Sabi ko pa nga dati eh, dito ko dadalhin yung taong mamahalin ko forever." sabi niya habang nakatingin sa sky.
"So? Ako una mong dinala dito?" tanong ko at nag-nod naman siya.
"I know that our relationship may not be forever but i'll fight for you forever." malungkot na sabi niya. Niyakap ko naman siya.
"We'll fight together hanggang sa maging forever tayo Ara." sabi ko at kiniss ko siya sa forehead niya. "Later, I'll tell to your parents na about our relationship. Gusto kong mapatunayan sayo na kahit di man sila pumayag, ilalaban kita."
"Sige. Goodluck din sayo Daks." sabi niya at niyakap niya ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Tito, Tita.. Pwede ko po ba kayong makausap?" sabi ko at agad naman kaming pumunta sa may Terrace nila. Kinakabahan talaga ako but I need and I want to do this for Ara, for US.
"Bakit? Ano bang sasabihin mo Mika?" tanong ng Tita sa akin.
"Gusto ko pong mag-thank you sa pag welcome niyo po sa akin dito." panimula ko. "At ang dahilan po talaga kung bakit ko sinamahan si Ara dito dahil... Dahil po Girlfriend ko si Ara." pagkasabi ko nun, nagpakawala ako ng hininga.
"Hahahaha!"
"B-bakit po?" tanong ko. Nagtawanan kasi sila eh di ko alam kung bakit.
"Pag pasensyahan mo na si Ara, Mika ha? Kasi etong anak namin, open samin yan. Laging nagkukwento ng kung ano-ano. Alam namin na kayo ng Anak ko." masayang sabi ng Papa ni Ara.
"Mika, eto lang sana ang ayaw namin na mangyare ha? Wag sana kayo magkasakitan ni Ara ha?" seryosong sabi ni Tita.
"H-ha? Ahm, sige po. Promise ko po sa inyo yan. Maraming salamat po sa pagtanggap sa akin." sabi ko at parehas ko silang niyakap.
Pagkalabas namin ng Terrace, agad na sumalubong sa akin si Ara at si Kuya Jun. Niyakap naman ako ni Ara.
"Sorry Daks." malungkot niyang sabi at ginulo ko naman ang buhok niya.
"Shh. It's okay. Atleast napapatunayan ko sayo na pwede tayo maging forever." sabi ko at niyakap ko sya ng mas mahigpit.
"Paalala ko ha.. Wag masyadong mapusok. Okay?" paalala ng Mama ni Ara sa amin.
"Sige na tulog na kayo dahil babyahe pa kayo bukas." sabi ni Tito at sinamahan pa kami pumunta sa kwarto namin.
"Goodnight Pa!" sigaw ni Ara.
"Goodnight Tito!" sigaw ko rin.
Pagkatapos nun, nag-usap naman kami ni Ara.
"Nakaka-strike one na tayo. Sa parents ko na lang." sabi ko.
"Ako naman ang kakabahan? Hay!" sabi niya at humiga na sa kama.
"Ako bahala. Sabay nating haharapin parents ko." sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya.
----
Ayan! Legal na sila sa parents ni Ara. How 'bout naman kaya sa parents ni Mika? Abangan yan. :)
VOTE and COMMENT.