Mika's POV
Sayang talaga! Ang cutie ng kasama ko kahapon. Bakit kasi hindi ko agad natanong yung name niya? Ang tagal pa naman naming magkasama kahapon.
Nandito ako sa magiging dorm ko ngayon. Lumapit ako sa Ateng Guard para itanong kung saan ang magiging future dorm ko.
"Ateng Guard!" Masigla kong bati sa guard.
"Ano po yun, Miss?" Tanong naman niya sakin.
"Ate, saan po yung dorm ko?" Tanong ko. "Mika Reyes nga po pala pangalan ko."
Tinignan ng guard ang malaki niyang notebook para icheck ang name ko.
"Doon ka sa panglimang dorm sa kanan." Turo naman sakin ni Ateng Guard.
Maglalakad na sana ako nang maisip ko kung sino ang makakasama ko dun.
"Ok po. Ah, pwede ko po bang malaman kung sino makakasama ko?"
Tumingin ulit si Ate sa notebook niya.
"Victonara Galang." Sabay pakita niya ng notebook sakin.
Napaisip naman ako kung sino siya. Victonara Galang? Taray naman po ng pangalan niya. Akala mo galing sa sinaunang panahon eh. Hehe, masyado na ba akong mean?
"Ah.. Ok po. Salamat!" Pasalamat ko at pumunta na sa dorm ko.
Pagkarating na pagkarating ko sa dorm ko, pumasok na agad ako. Hmm, maayos naman ang dorm. Mala-bahay na talaga. Actually, isang apartment 'to pero ginagawang dorm para sa mga athletes ng La Salle.
Agad akong pumunta sa kwarto ko. Double deck ang kama. Napaisip tuloy ako kung saan mas madaling matulog. Iba rin talaga sa La Salle, may bonus pa aircon pa!
Habang tinitignan ko ang buong dorm, biglang may nagdoorbell kaya naman agad akong lumabas. Siguro, siya na ang kasama ko dito.
"Hi!"
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang makakasama ko.
"Diba ikaw yung.." Sabi ko at napangiti siya.
"Yung kasama mo kahapon."
"Hello!" Sabay kaway naming dalawa sa isa't-isa.
Lumapit siya sa akin at sinalubong ko naman siya at tinulungan sa gamit niya.
"So, ikaw yung Victonara?" Tanong ko naman pagkapasok namin sa loob.
"Victonara Galang." Sagot niya sa akin.
"Ah.. Mika Reyes." Sabi ko naman at nagshakehands kami.
"Yun! Nalaman ko din pangalan mo." Sabi naman niya at tumawa.
Well, kakaiba talaga ang tadhana. If meant to be talaga, pagtatagpuin talaga.
"Let me help you." Sabi ko naman at tinulungan ko siyang ipasok ang maleta niya sa kwarto namin.
"Salamat." Sabi naman niya bago kami makapasok sa kwarto.
"Mika, saan mo gusto?" Tanong niya sakin.
Binigyan ko naman siya ng what-look.
"Sa baba o sa taas?" Sabay tawa niya ng mahina.
"Ikaw, saan mo ba gusto?" Balik-tanong ko naman sa kanya.
"Ikaw naman nauna dito eh." Sabay tingin niya sakin.
"Sabi mo eh. Eh di sa baba ako." Sagot ko naman at umupo sa magiging kama ko.
"Okay then, sa taas na ako." Sabi naman niya at nilapag doon ang dala niyang bag.
So, my entire college experience will be awesome. Lalo na't makakasama ko pala si Victonara dito sa dorm ko. Galing talaga!