Chapter VIII: Past is Past

2.4K 36 0
                                    

Ara's POV

Nagising ako sa ingay na narinig ko. Langya talaga si Mika, bakit ba kailangan niya laging sumigaw sa umaga?

"Ara!"

Hay nako talaga.

"Huy Ara, gising na dyan." Sigaw niya at hinampas-hampas niya ako.

Bwiset talaga, no choice kundi bumangon na.

"Good morning Ara!" Bati niya sakin with her super smiling face. "Kain na us!"

Hindi pa man din ako nakakapag-unat, hinatak na niya agad ako palabas ng kwarto.

"Mukhang excited ka yata ah." Sabi ko sa kanya.

"At saan naman?" Nagtataka niyang tanong.

"Dahil mag-uusap kayo ni Joseph di ba?"

"Huh? Hindi naman dahil dun noh!"

"Totoo ba?"

"Ano ka ba, hindi noh!" Sagot niya sakin. "Don't tell me nagseselos ka?"

Hala siya kung anu-ano naiisip neto.

"Shit ka Mika, kadiri!" Sigaw ko.

"Tara tayo na."

Wait ano raw? Tayo na? Kami na?!

"Huh?! Ano na naman 'yang pinagsasabi mo?"

"Baliw pala 'to eh, sabi tara na at kumain. Akala mo na naman kung ano eh!" Natatawang sabi ni Mika.

Kumain na kami at after nagprepare na kami para pumasok. Naghiwalay na rin kami dahil nga magkaiba ang buildings namin. Pero after ng class namin ay nagkita kami.

"Hey Miks!" Tawag ko sa kanya at lumingon naman siya sakin. "So, ano na?"

"Don't worry, natext ko na po Boss!" Sagot naman sakin ni Mika at nagthumbs up naman ako sa kanya.

"Pero bakit nga ba super concerned ka huh?" Tanong naman niya sakin.

"Bakit, bawal ba?"

"Hmm, baka kaya concerned ka kasi type mo si Joseph!" Sabay halakhak niya.

"Alam mo kadiri ka talaga forevs!" Sagot ko naman at pinagpapalo ko siya sa braso niya.

Bigla namang may nagtext at siguradong hindi sakin yung phone na tumunog. Chineck naman ni Mika ang phone niya at sa kanya nga yung tumunog.

Sino kaya nagtext kay Mika? Siguro si Joseph na noh? Kung siya man, sana maging maayos ang pag-uusap nila.

Most Valuable Prend~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon