Chapter XXXVII: Party

1.4K 25 1
                                    

Mika's POV

So many days have passed. Halos month na din, ganun pa rin kami ni Vic. Sweet pa rin kaso nagiging busy na kami lately. Busy kasi training, kundi sa training, sa classes kelangan pa kasi namin mag-aral. Pero dumadalas ang gala nila ni Kimmy, minsan sinasama naman nila ako. Like now, ipapakilala raw nila sakin this so called "Bang".

"Psh." sambit ko at nilapitan ko si Vic. "Para kang ewan dyan. You're to cool and pretty for me na." sabi ko habang hawak ko ang kamay niya na nakahawak sa collar ng shirt niya.

Di kasi siya matigil sa kakaayos ng damit niya. Naka polo shirt siya at naka mini shorts. Kahit lagi kaming naka shorts ng maiksi, di laging nagsusuot ng shorts si Vic pag aalis kami. Laging nakapants o tokong.

"Are you sure?" tanong niya sakin.

Ngumiti ako, "Syempre naman." I just smiled para matigil na siya sa kakaayos ng clothes niya. Kailangan kasi mag-ayos ng todo para lang kay, Bang.

"Whoa!" sigaw ni Kimmy. Pano naman di mapapasigaw si Kim. Eh ka mangha-mangha naman yung lugar na pinuntahan namin. Birthday Party kasi 'to ni "Bang".

"Uy, Bang!" sigaw ni Vic at biglang tumakbo.

Wow! Vic ha? Bigla nalang akong iniwanan.

"Hey Ara!" rinig ko naman sabi nung Bang at naghug pa.

"Hey, happy birthday." sabi naman ni Vic at bumitaw na sa pagkakayakap.

Lumapit ako kay Vic para naman maalala niya na nandito ako.

"Bang!" tawag ni Vic at hinawakan ang kamay ko. "She's Mika, d'you know her right?"

Nanlaki naman ang mga mata niya, "Ofcourse! The famous Taft Tower."

Napangiti naman ako at napayuko. Nakita ko naman na nangiti din si Vic at hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak niya sa kamay ko, "And yeah, she's the one who I'm telling you, my special someone!"

Nagulat naman ako sa sinabi ni Vic, buti nakukwento niya ko sa kanya. Kala ko kinakalimutan niya ko pag may kasama siyang iba eh.

"Ah, really.." sambit naman ni Bang at mukang nagulat din?

Is she teary-eyed?

"Anyways, hi Mika!" bati nya sakin. Ginantihan ko din siya, "Hello! Nice meeting you!" at nagshakehands pa kami.

"Ehem," napatingin naman kami kay Kim. "Guys, pwede na ba?" tanong niya at itinuro yung pinto papasok sa loob.

Napailing naman kami ni Vic at natawa, "Haha! Sure, leggo!" sabi ni Bang.

Everyone's having fun right now. I didn't expected na marami ding ininvite si Bang sa party niya. Most of her guests are players, especially in UAAP. Napupuno ng volleybelles ang party niya at meron din mga guys.

Si Vic at si Kim, iniwan muna ko sa table namin, kuha lang daw sila ng foods. Kaya ngayon, mag-isa ang dyosa. Haha!

Habang hinihintay ko sila, napatingin ako sa paligid. Talagang nagkakatuwaan ang mga tao. Hindi ako masyadong sanay sa ganito, busy lagi eh.

Nahagilap naman ng mga mata ko sila Vic na kumukuha pa rin ng foods, napatingin sakin si Vic and she gave a sweet smile to me. Haaaay.. Di talaga siya nagfa-fail na pakiligin ako. :)

I gave her my sweetest smile but may humarang sa kanya kaya di ko na siya nakita. Nagulat naman ako ng may isang lalaking palapit sakin, "Hey! 'Sup?"

"Ah, Kiefer." sambit ko.

"I was surprised na makita kita dito." sabi niya at umupo sa harap ko.

Most Valuable Prend~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon