Mika's POV
Kakatapos ko lang maligo at nag-ayos na ko kasi ngayon ang alis namin nila Vic at Ate Abi.
Habang nagsasapatos ako, nagring ang cp ko at agad ko namang sinagot 'to.
"Uy what's up!"
...
"Now na talaga?"
...
"May lakad kasi ako ngayon with Vic."
...
"Okay okay. Wait me na lang dyan."
Tsk! Di ako makakasama kina Vic today. Buti na lang tapos na si Vic at lumabas siyang nakatapis lang.
Wow.. Just WOW.
Kahit sino talagang maaamaze sa katawan ni Vic, she's very sexy talaga. Kaya inggit ako dito eh. Haha!
"Hey stop staring!" pinitik niya ko sa ilong.
"Haha! Ang ganda talaga ng katawan mo. Nakakainis!"
"Wew! Let me say na inggit ka lang talaga!" nagsmirk naman siya.
"Ona ona. Nga pala Vic, di ako makakasama sa inyo today." nakita ko naman na na disappoint ang mukha nya.
"Hey.. don't be sad, okay?" hinawakan ko ang kamay niya. "Bawi ako sayo at kay Ate Abi. Soon as possible."
"Ok ok. I know naman na important yan kaya di ka sasama samin today. So ingat ka ha?"
"Ok. Ingat din kayo ni Ate Abi later. Text or call me if there's a problem ha?"
"Ok. Bye!" nagwave siya at ginantihan ko din siya.
-
Agad akong pumunta sa isang resto na pagkikitaan namin ni..
"Hey!" napalingon ako at agad kong nakita si Kuya Perry.
"Hey! Kanina ka pa ba dyan?" nagfist bump kami.
"Kararating ko lang din. Tara na?" inakabayan ako ni Kuya at tumango lang ako.
Vic's POV
Nandito kami ni MotherF sa *** mall. Manunood kami ng movie kasama ang boyfriend niya na green archer. Wala kase si Yeye eh.
"Victo, meet my bf, Robert and Rob meet my daughterf Vic." masayang sabi ni MotherF. Nag-hi naman ako sa bf niya.
"MotherF mo siya right?" tanong ni kuya Robert at tumango ako. "Then call me your FatherF."
"Whoa haha!" sambit ko.
"Nice. Magkakasundo kayo nyan, so tara na? Movie? Libre ko." sabi naman ni MotherF.
"No. Treat ko na Babe." sabi ni FatherF. Haha natawa naman ako dahil namula si MotherF.
"Haha tara na dali!" sabi ko. Medyo OP ako kase para lang akong chaperon nila. Haha pero ok lang.
Kamusta na kaya si Yeye? :3
-
Mika's POV
Pumunta kami ni Kuya Perry sa hospital. Magpapa-check up daw kasi siya.
Ok lang naman na hindi ako sumama kina Vic ngayon kase si Kuya naman ang kasama ko ngayon.
Naglakad-lakad kami sa loob ng hospital para hanapin yung clinic ng family doctor namin.
"Dito na ata yun Kuya eh?" turo ko sa kanan ko.
"Lets go."
Pumasok na kami ni Kuya at hindi naman kami nagkamali dahil agad kaming nakilala ng doktor.
Hinintay ko lang si Kuya sa may waiting area. After 30 minutes, natapos din si Kuya.
"Ye, pa check up ka na din."
"Wag na kuya. Meron naman sa school eh?" sabi ko.
"Hintayin mo pa yun? Nandito na oh?" saad ni Kuya. Tatanggi pa ba ako?
"Ok Ok."
Pumasok na ko sa room ng doctor. Mukang nagulat naman yung doctor sakin.
"Mika Reyes?"
Whoa?
"Yes I am."
"Sit here, iha." umupo naman ako sa upuan na katabi ng mesa nya.
"Grabe ang tangkad mo na. Your taller than your brother, am I right?" nakangiting tanong nung doctor.
"Yeah."
"Do you still remember me, iha?"
"Yes naman po, Dra. Pineda?"
"Wow. I'm happy that you still remember me."
Di na muling nagtanong yung doctor at sinimulan na niyang icheck ang heartbeat ko at etc.
After 15 mins.
"Uhm, wala namang problema sayo Mika. I mean, wala kang sakit. Your healthy."
"Talaga po?"
"Yes. Just maintain mo lang yang pagiging active. Player ka pa naman."
"Hehe thank you po." aalis na sana ko nang tinawag ulit ako ni Dra. Ravena.
"Ms. Reyes, can I take you a picture?"
Hmm, bakit kaya? Wala namang masama. Baka si Mika Reyes 'to.
"Idol ka kasi ng anak ko. Lalo na si Ara Galang." sabi niya habang kinukuha niya yung cp nya sa bag.
"Ganun po ba? Sige po."
Inayos ko naman ang itsura ko at kinunan na niya ko ng picture.
"Thanks iha!"
"Thank you din po."
Lumabas na ako at linapitan ko si Kuya.
"Tara na kuya, ihatid mo na ko."
Hindi na nagtanong si Kuya at pumunta na kami sa Parking Lot.
After nun, derecho na kami ng Taft.
.
.
.
.
.
"Kim! Wala pa sila Vic?" tanong ko kay Kim na busy sa food.
"Waley pa eh."
"Oh sige. Pag dumating na sila, tell Vic na nasa kwarto ako. Matutulog kasi ako eh." sabi ko at pumunta na ko sa kwarto.
Nakakapagod yung lakad namin ni Kuya. Agad akong humiga kahit di pa ako nagbibihis.