Chapter XX: I've Met the Blue Eagle

2.1K 32 13
                                    

Ara's POV

I can't believe na parehas lang ang nararamdaman namin ni Yeye. Sana maganda kalalabasan neto para masaya.

"Yehey! Ang galing talaga naten. Kita mo yun sa buong elims 1 lang talo naten?" masayang sabi ni Mika. Nga pala, tapos na namin yung elims ngayon. Pasok na kami sa Final 4 at makakalaban naman yung NU next week.

"Hoy wag ka muna magsaya jan Ye. Di pa tapos yung season naten!" sigaw ni Kim

"Onga Daks! Mamaya bawiin haha!" -ako

Kakatapos lang naman ng game namin ngayon sa ADMU. Dahil nanalo kami, manglilibre daw si Coach. Kanya-kanya ng kaming pwesto at sila ate Abi ang umorder.

"Shems. Ang tagal pa ng pagkain, nakakagutom." sabi ni Cienne habang nakahawak sya sa tiyan nya

"You're right!" singit ni Yeye. Eto talagang babaeng to :D

"Wag mong sabihin Kambal, nahawa ka na dito kay Reyes ha?" sabi naman ni Cams

"Nakakagutom naman kasi talaga." sagot ni Cienne

"Aba, parang naglaro ka kanina para magutom ha?" nakangising sabi naman ni Kim

"Porket kayo lang ang pinasok, kayo lang kakain ha?!" sabay batok ni Cienne kay Kim

"Hey ayan na yung foods guys!" sigaw ko. Pumili kami ng mga kakainin namin at kami naman ni Mika, inaasikaso namin ang isat-isa.

"Ara, gusto ko ng water." nakangusong sabi ni Mika

"Hey wait lang. I'll get you." sabi ko at tumayo na ko para kumuha kaso-

"Huy Ara! Pwede naman sa waiter ka na lang humingi eh!" sigaw ni Kim

"Oo nga Ara. Mapapagod ka pa eh." nakangiting sabi ni Mika at hinila nya ko pabalik ng upuan ko

"Kayo ha.. Kanina pa ko may napapansin sa inyo." napatingin naman agad ako kay Kim na nakangiti samin ni Mika.

"At ano naman yun, aber?" tanong ko

"Sus! Inggit ka lang Wafs!" asar ni Mika sa kanya

"Sayo na nanggaling. Anong meron sa inyo ha?" tanong ni Kim

"Luh?! Wala naman eh. Malisyosa ka lang wafs!" depensa ko. Hindi na muling nagsalita si Kim at tinawanan na lang namin siya ni Mika.

Someone's POV

Niyaya ako ng mga teammates kong kumain after manuod ng game ng Ateneo at La Salle kanina.

"Bro! Dun tayo oh! I feel nandun yung Lady Spikers." sabi ni Chris

"So it means, nandun yung crush mo bro! Hahaha!" sabi naman ni Von

"Kayo talaga haha! Tara na nga dun. Gutom na din ako eh." sabi ko at pumasok na kami. Wala masyadong nakapansin sa amin kahit ang lady spikers hindi din. Pagkatapos namin umorder, kumain na kami.

"Grabe 'tong Lady Spikers noh? Gaganda kahit nakaboy cut." sabi ni Von habang sumisipsip ng softdrink.

Tumingin naman ako sa pwesto ng Lady Spikers. Nakita ko agad si Mika na papunta sa comfort room kaya sinundan ko.

"San ka?" tanong ni Von

"CR lang guys."

"Make it fast. We have training after this." sabi ni Chris at tumango na lang ako

Mika's POV

Natapos na kaming kumain nila Ara. Sila Coach na lang ang hinihintay naming matapos.

"CR lang ako Ye." sabi ni Ara

"Kailangan talagang magpaalam kay Mika ha?" pang-aasar naman ni Kim

"Tse! Manahimik ka Kim." sagot ni Ara at pumunta na ng cr.

"Wait lang Tomsy!" sigaw ko ng mahina

"Kayo ha.. Mamaya may gawin kayo milagro dun!" nang-asar na naman si Kim

"Ano ba yan Kim! Utak mo kasing kulay ng school naten." sabi ni Cienne at natawa na lang ako sa kanila at umalis na din ako para sundan si Ara

Papasok na ako ng CR nang may tumawag sakin.

"Reyes?" lumingon ako at parang kilala ko 'to ah. "Mika Reyes right?"

"Yeah. Hi?" matipid kong sagot

"Finally! By the way, i'm Kiefer Ravena of Ateneo Blue Eagles." sabi nya at makikipag shakehands pa. Aabutin ko ba o hin--

"Oh Da-- Oh sino yan?" buti dumating si Ara

"Kiefer daw eh?" sagot ko kay Ara at tiningnan naman ni Ara si Kiefer.

"Hi you're Ara di ba?" tanong ni Kiefer at tumango naman si Ara

"Ah okay. Tara na Ara?" hinawakan ko yung kamay ni Ara at tumango naman siya. "I'm sorry. We need to go na."

"Its okay. Nice meeting you." nakangiting sagot ni Kiefer

Pumunta agad kami dun sa table namin, di pa kasi tapos sila Coach. Mahaba-habang usapan ata :)

"Feeling ko, may nakasalubong kayong agila kanina noh?" tanong ni Camille

"Sabi na eh! Kaya parang kilala ko." sagot naman ni Ara. "Di ba 5 time champion yung mga yun?"

"Oo. Eh ano namang pake ko? Hahaha!" sagot ni Kim at nakipag high five pa kay Cienne

"Yung Ravena ba yung nakasalubong nyo?" tanong ni Cienne at tumango naman kami ni Ara. "Balita ko din may isang player sa kanila na may crush kay Yeye eh."

"Ano?!!" napasigaw si Ara. Medyo malakas din yun kaya napatingin sa kanya ang lahat.

"Huy! Maka-react ka naman dyan!" natatawang sabi ni Kim. Hinila ko naman paupo si Ara

"Anong meron dyan?" tanong ni Coach

"W-wala po coach. Kumakanta lang kami dito, di ba?" palusot ni Ara at tumango naman kami

"Haha nice one, Victo." sabi ni Camille with two thumbs up

"Kasi tong si Cienne kung makagawa ng issue eh." sabi ko. "Nagselos tuloy si Tomsy."

"Umayos ka dyan Reyes ha?!" saway sakin ni Ara

"Umamin na kasi kayo samin." sabi ni Kim na nakataas ang kilay niya.

"Wala nga kasi." medyo naiinis na sabi ni Ara kaya tumigil na sya sa pang-aasar.

Nakauwi na kami sa dorm. Tapos na din ang lahat na magshower. Nauna na si Ara sa kwarto kaya sumunod na din ako.

Pagpasok ko, nakatalukbong na siya ng kumot niya. Ang bilis naman matulog neto. Di man lang ako hinintay. Feeling ko din, nagalit 'to sa sinabi ni Cienne. Totoo man o hindi, wala akong pakialam. Di hamak na mas gwapo pa dun si Ara HAHA!

Inayos ko ang buhok niya at hinalikan ko siya sa noo.

"Hoy Reyes. Nakascore ka na naman." bigla siyang nagsalita. "Tabi tayo ulit, please?"

"Makakatanggi pa ba ako eh nakayakap ka na sakin oh?" sabi ko at ngumiti lang siya.

-----

Lumabas na rin si Kiefer. Wag sana kayo magalit haha!

Btw, inuulit ko sa mga nakakaalam kung kelan yung pasahan ng applications ng undergrad sa UP, DLSU at USTe, guys tell me naman. Lagay nyo lang sa comment box. Thanks! :)

Most Valuable Prend~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon