1wk later..
Kim's POV
After the night na nagburst out si Ara, di ko maiwasang mag-alala sa kanya lalo na ayaw niyang ipasabi kay Mika ang nangyare sa kanya.
I always check her din kung kumakain ba siya ng maayos. Minsan nga nagtataka na si Mika samin ni Ara eh, maganda naman si Ara pero friends lang. :)
"Oy Kim! Bat ba ganyan ka kay Vic ko lage ha?" tanong ni Mika sakin. Haha! I told you guys. "Talo pa yung totoong girlfriend kung mag-asikaso kay Victo eh."
"Kaloka ka Ye!" sambit ko at hinampas ko. "Yan? Magkakagusto ako jan?!"
"Hoy! Kung makaganyan ka naman parang magkakagusto din ako sayo ah?" natatawang sabi ni Ara saken. Haha! Di ko sure kung nakiki-go with the flow lang samin si Yeye eh.
"Pag lang talaga Kim, nalaman kong may gusto ka na sa Tomsy ko.." ipinakita saken ni Yeye ang kamao niya. "Makakatikim ka neto."
"Wew! Braso pa lang Ye, waley ka na." asar ko sa kanya at tinawanan ko siya.
Habang nag-aasaran kami, biglang pumasok si Dyowsa sa dorm namin.
"Huy! Magsitigil kayo ha, mamaya away na yan." saway niya sa amin at tumabi siya kay Victo.
"Daughter?" tawag ni Kapitana. "If ever na ialok ni coach sayo ang pagiging captain, tatanggapin mo?"
Nice. Out of nowhere na tanong ni Ate Abi sa kanya. Kaya kami naman ni Yeye nakatingin lang kay Ara na nag-iisip ng isasagot.
"Hmm.. Why not?" panimula niya. "Karangalan ko na maging captain ako sa team naten. Every athlete naman ata gustong maexperience ang pagiging captain."
Pumalakpak naman si Yeye, "Very well said, my love." sabay kindat niya.
"Wooo! Kilig naman 'tong Galang nato." sabay tawa ko.
Mika's POV
Kakatapos lang namen magdinner at nandito na kami ni Ara sa room namin at nakahiga sa bed niya, tabi daw kami. :)
"Vic, pumapayat ka ata?" tanong ko at hinawakan ko ang braso niya.
"Tumataba ka lang Ye, kaya nasasabi mo yan." sagot naman niya. Hmm, totoong tumataba ako pero siya, ang payat na nga parang pumapayat pa lalo.
"Tch, gayahin mo ko." sabi ko at napatingin sya saken, "Lam mo di ka na sexy eh, payat na."
"Hay! Tama na po Reyes, antok na ko."
"Ge na nga, bukas lagot ka saken. Kakain ka ng marami." di na siya sumagot pero narinig ko ang pagngisi niya.
Next Day..
"Tomsy, eto pa oh." abot ko ng luncheon meat sa kanya.
"Oooy.. matanda na yang si Ara noh?" sigaw ni Kim at tinawanan ko lang siya.
"Inggit ka lang Fajardo eh." sabi ni Cienne at tinapat niya yung kutsara sa bibig ni Kim.
Natameme naman si Kim dun.
"Yiee si Kim, nganga na yan." pang-aasar ni Ara. At sa di namin inaasahan, ngumanga nga si Kim!
"Yun naman pala." sambit ni Camille at tumataas pa ang kilay niya.
"Bat ang bait mo ngayon?" tanong ni Kim kay Cienne.
Di sumagot si Cienne pero ngumiti lang siya. Hmm, i smell something sweet. Hahay!