Chapter VII: Joseph Marco

2.8K 42 1
                                    

Sa mga di nakakakilala kay Joseph, Look at the Multimedia na lang :)

Mika's POV

Dahil nagtanong na si Ara, wala namang masama na magkwento ako sa kanya tsaka past naman na yun.

"Ganito kasi yan Ara.."

FLASHBACK (2 years ago)

Magkasama kami noon ni Jessy sa bahay nila. Namiss lang namin ang isa't-isa kaya pinatambay niya ako sa bahay nila.

"Miks, look oh." Tawag sakin ni Jessy at tinuro ang phone niya.

"Ano naman yan?" Tanong ko at tinignan ko ang phone niya.

"Nag-hi sayo si Joseph Marco!" Sigaw niya at halos mabingi naman ako sa sigaw niya.

"Ano ba yan, Jess!" Sigaw ko rin sa kanya. "Totoo ba kasi yan?"

"Oo nga, tignan mo kasi!" Sigaw rin niya sakin at pinakita sakin yung Twitter niya.

"Ohhh, eh ano naman?" Tanong ko sa kanya.

Nagtweet kasi ako kay Joseph Marco sa Twitter. May palabas kasi siya noon sa tv na sobrang ang gwapo niya kaya naman naging crush ko siya.

"Hindi ka ba kinikilig?" Tanong niya.

"Ewan." Kalmado kong sagot.

Well, there's a part of me na kinikilig pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"Pwede siyang manligaw sayo." Kinikilig na sabi naman ni Jessy.

"Agad-agad bes?!" Sigaw ko naman sa kanya. Kaloka talaga siya, ang advance mag-isip.

"Tss, pabebe pa. Crush mo naman yan."

Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Para talagang baliw. Crush ko si Joseph pero hindi ko naman naisip na pwede niya kong ligawan. Sino ba ko di ba?

Pero dahil sa tweet ko na yun sa kanya, nagtuloy-tuloy na ang pag-uusap namin sa Twitter. Sa simpleng tweet ay napunta na sa DM at eto na nga, one time niyaya niya ko magmall. Eh crush ko kaya gora na agad ako.

"Hi Mika." Bati niya sakin.

Shit talaga. Ang gwapo talaga ni Joseph!

"Hello Joseph." Mahiya-hiya kong bati sa kanya.

"You're more beautiful pala in person."

Sus, kung nagpapakilig 'tong si Joseph. Aba! Kinikilig talaga ako.

"Ah haha, ikaw rin. Mas gwapo ka in person." Sabi ko naman.

Totoo naman kasing mas gwapo siya. Kitang-kita mo ang muscles niya ng harap-harapan talaga.

Then, after a month of getting to know each other, ayun nagsimula na siyang manligaw sakin at sa family ko rin.

"Uhm.. Mr. and Mrs. Reyes, gusto ko po sanang umakyat ng ligaw sa anak niyong si Mika." Kabadong sabi ni Joseph. Kahit akong nanunood sa kanila ay kinakabahan din. Paano kung di sila pumayag? Paano na ang lovestory namin?

"Ayoko muna sanang magkaroon ng boyfriend si Mika but it's still MIka's choice." Sabi ni Daddy.

"Just promise Joseph... you'll never hurt our daughter ah?" Sabi naman ni Mommy.

Tumango naman si Joseph bilang sagot niya.

"Subukan mo lang saktan kapatid ko, yare ka sakin."

Grabe naman si Kuya! Tinakot pa si Joseph!

"Salamat po." Tuwang-tuwang sabi ni Joseph sa parents ko at kay Kuya. "Makakaasa kayo na iingatan ko po si Mika."

Masaya talaga ako nang pumayag na nag parents ko na pwede na akong ligawan ni Joseph pero this time hindi pa talaga ako ready. Gusto ko si Joseph pero hindi pa ako ganun ka ready na maging committed sa isang tao.

Most Valuable Prend~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon