Ara's POV
Yehet!!! Pasok na kami sa finals, natalo na kasi namin yung NU eh.
"Hanep si Ara, halimaw!" sigaw ni Ate Mich sa harap. Nasa bus na kami, nakapwesto kami ni Mika sa may bandang likod.
"Parang inspired nga eh." sabi ni Mother F. "Daughter F, dahil ba kay Thomas yan ha?"
Nanlaki naman ang mga mata ko at napatingin naman ako sa kamay namin ni Mika, binitiwan kasi niya :3
"Mother F naman eh. Sabing friends lang kami nun tska ayaw ko dun!" sigaw ko kasi baka hindi nila marinig.
"Huehue. Indenial ka pa Ara eh." biglang singit ni Kim
"Putek ka talaga Kim eh." sigaw ni Cienne. "Kitang ayaw nga ni Ara oh!" tumingin siya at nagthumbs up naman ako
"Haha sige na nga." sabi ni Kim at nanahimik na
Pagkatapos ng mga pang-aasar nila, kinausap ko naman si Mika ng pabulong.
"Sst.." tawag ko at tumingin naman siya. "Galit ka?"
"No." matipid niyang sagot at sinandal nya yung ulo nya sa window.
"Wag ka na magalit oh?" sabi ko at isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya.
"Di nga po ako galit. Ikaw na mismo nagsabi na ayaw mo sa kanya di ba?" sabi nya at hinawakan nya yung mukha ko
"Sure ka ha? Ayaw kong magalit ka sa mga ganun."
"Hindi nga. Ang kulit mo Tomsy!" sabay pisil nya sa ilong ko
"A-aray! Hahaha!" napasigaw ako dahil ang sakit kaya napatingin ang iba naming teammates.
"Oh! Ano yan?" tanong ni Carol
"Huh? Si Ara yun!" natatawang sagot ni Mika
"Mamaya may ginagawa kay--" naputol na sabi ni Kim
"Yan ka na naman Kimberly ha?! Ang green na naman ng utak mo." saway ni Cienne kay Kim
"Hala?! Itatanong ko lang kung may ginagawa silang harutan dyan. Makikisali sana ako." paliwanag ni Kim
"Haha wag na. Okay na kami ni Mika." sagot ko
Pagkatapos ng byahe, nakarating na kami sa dorm. Nagshower agad kami ni Mika para maaga kaming makapagpahinga.
"Ara.." seryosong tawag ni Mika at tumingin naman ako. "Kelan mo gustong ligawan kita?"
"Hmm, bahala ka. Ikaw ba?" tanong ko
"Hinihintay lang kita." sagot niya
Lumapit ako sa kanya at tinabihan ko siya sa kama. "Ganto na lang, pag naging MVP ako.. Tayo na." nakangiting sabi ko
"Huh?! Pano kung hindi?"
"Parang wala kang tiwala sakin ah?"
"Di naman sa ganun. Magaling ka naman eh. Pero parang sigurado kang makakakuha ka ng MVP ngayon."
"Hmm, second option. Basta pag nakakuha ako ng award this season, tayo na."
"Sige sige. Eh ano naman kaya ang makukuha mong award?" tanong nya at nagkibit-balikat na lang ako.
----
Mika's POV
Well, second game na ngayon ng finals. Kung gusto nyo malaman kung sino nanalo sa 1st game, eh kami lang naman :)))