Chapter XXVIII: Hongkong Getaway

1.9K 36 1
                                    

Ara's POV

Today is the day! Today ang flight namin papuntang Hongkong, actually nasa airport na kami ngayon at naghihintay na lang kami na matawag para makasakay na sa eroplano.

"Haha! Bwiset na mukha yan Kimmy. Panget!" malakas na sabi ni Mika habang humahalakhak. Buti na lang konti lang kami dito.

"Excited kase masyado eh. Talo pa si Vic." natatawang sabi ni Cienne habang pinapalo yung upuan. Grabe naman 'tong mga 'to, super laughtrip.

"Manahimik nga kayo dyan." saway ni Camille sa kanila na medyo natatawa rin. "Nananahimik si Kim oh."

Napatingin naman ako kay Kim na tumatawa rin at busy sa cellphone niya, siguro si Fo ang katext neto.

Lumapit ako kay Kim, "Pst. Busy kakatext ah?" nakangiti kong sabi.

"Luh di naman. Ngayon ko na lang kasi matetext si OT eh, sa mga susunod na araw hindi ko na matetext yun." paliwanag niya at ibinaling muli ang atensyon niya sa cp niya ulit.

"May wifi naman dun sa hotel na pupuntahan natin eh. Clingy ka lang talaga." asar kosa kanya at bahagya akong tumawa.

"Hep hep hep!" napatingin naman kami kay Mika. "Nagkakatuwaan kayo dyan ah. Selos na ko ni-- Aray!" naputol ang pagsasalita ni Mika nang paluin siya ni Kim sa likod.

"Sira ka talaga Reyes." sabi ko at lumapit ako sa kanya para kunin ang maleta ko. Tinatatawag na kasi kami.

Agad kong hinanap ang seat ko, pang 7th row ako. Hinanap ko naman si Yeye at nasa 5th row siya. Ang layo naman niya. :3

Umupo na ako sa seat ko at katabi ko naman pala si Carol.

"Uy san ka pupunta?" tanong ko. Napansin ko kasing nililipat niya yung gamit niya.

"Just wait and you'll know." sabi niya at kinindatan pa ko haha.

Nilagay ko na ang earphones sa tenga ko at pumikit na ako nang naramdaman ko na may umupo na sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Hindi na ako dumilat dahil kilala ko na agad kung sino yun. :)

.

.

.

.

.

.

.

.

"Yeaaaah!" sigaw ko. Nakarating na kasi kami sa Hongkong. Haha! Excited lang eh :)

Lumapit naman si Mika at tinulungan ako sa mga bag ko. "Anong sinisigaw mo dyan?" tanongniya. "Eh pwede mo naman akong tawagin ng di ka na sisigaw."

Ano daw? Haha di ko naman siya tinatawag ah? Minsan talaga may pagkafeeler 'tong Daks ko eh.

"Di kita tinatawag noh. Naglabas lang ako ng excitement. Gets mo yun?" saad ko at naglakad na kami palabas ng airport.

"Psh. Akala ko tinatawag mo ko eh? Napatakbo tuloy ako ng wala sa oras." sabi niya at napakamot naman siya sa batok niya. Ang cute talaga. :)

Mika's POV

Hay grabe! Yung feeling na wala ng palit-palit ng damit. G na agad sa pupuntahan namin. KLK talaga ang teammates ko.

Nandito kami ngayon sa.. Hmm. Nakalimutan ko na basta dito sa Hongkong! xD

Kahit san ako tumingin, ang mga teammates ko walang sawa sa pagpipicture. Pansin ko din puro selfie din sila, shempre di naman magpapatalo ang Taft Tower di ba?

Most Valuable Prend~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon