Chapter XXIII: Meeting the Families

1.9K 34 4
                                    


Ara's POV

"Mika? Ara?"

Bumitaw agad ako sa pagkakayakap sakin ni Mika nang may tumawag samin.

"Oh Ate Abi? Bat nasa labas ka?" tanong ni Mika

"Bawal na ba?" nakangiting sagot ni Mother F. "Daughter F, ano yung narinig kong kaya mo ba blah blah blah na yun?"

"Ahm Ate Abi, wag kang magalit kay Ara." depensa sakin ni Mika

"Mother F, sorry kung hindi ko agad sinabi sayo ang tungkol sa amin ni Mika." medyo malungkot kong paliwanag nang bigla namang tumawa si MotherF.

"Haha!! Kung hindi ko pa kayo nahuli, di pa aamin." natatawang sabi ni Mother F. "Wag kayong mag-alala, di ako galit. Sa totoo lang eh isa ako sa fans ng loveteam niyo eh." ha?! Ano daw?!

"Talaga Ate Abi? Kung ganun eh, Happy happy!!" masayang sabi naman ni Mika

"Shh!! Mamaya may makarinig sa atin. Mother F, please wag mo muna sabihin sa ibang teammates natin ha?" seryoso kong sabi

"Sige sige. Pero dapat sabihin niyo din agad sa parents niyo yan okay?"

"OPO!" sabay na sagot namin ni Mika.

----

"Guys!! Dalian natin mamaya magalit si Coach sa atin." sigaw ni MotherF sa sala.

Nagpatawag kasi si Coach ng emergency meeting kaya ito nagmamadaling kaming lahat.

Pagkatapos, nakarating agad kami sa gym. Kanya-kanya kaming pwesto, katabi ko si Mother F at si Mika naman kasama sila Kim sa hulihan.

"May sasabihin akong importante sa inyo." seryosong sabi ni Coach. Ano na naman kaya ang sasabihin ni Coach. "I will give you this week for your vacation."

Yehey!!! Bakasyon mode na naman kami parang kelan lang nung umuwi ako sa amin last year.

"I will give you 3 days for your vacation." dagdag ni Coach

"Ngek?! Akala ko one week?" tanong ni Kim

"Anong gusto mo Kim, 3 days vacation o pagbakasyunin na lang kita habambuhay?" joke ni Coach kay Kim. Haha laging barado si Kim kay Coach.

"Boom Barado!" sigaw ni Mika sa likod at nagtawanan naman kaming lahat.

"Eto pa.. Dahil nagamit na nila Wensh at Liss ang last year para makapaglaro, gusto na nilang magpaalam sa inyo." dagdag ni Coach.

Most Valuable Prend~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon