Mika's POV
"Hello Mika Reyes!" bungad sakin ng pamilya ni Ara. Mukhang mababait naman sila kaso kinakabahan talaga ako sa kanila.
"H-hello po!" nauutal kong bati sa kanila with bow pa. Syempre kailangan maging magalang. :)
"Buti naparito ka iha? Matagal ka na naming gusto makita ng personal. Eto kasing si Ara eh lagi kang kinukwento sa amin." nakangiting sabi ng mama ni Ara.
"Ganun po ba?" sabi ko at tiningnan ko si Ara at nginitian lang niya ako.
"Aba tara na sa loob at kumain na tayo." sabi ng papa ni Ara at pumasok na kami sa loob.
Ang ganda din ng bahay nila Ara. Sa labas mukhang simple lang pero pag pumasok ka na sa loob, BOOM PANES!
"Daks, dito ka umupo. Tabi tayo." alok ni Ara at ako naman medyo nahihiya.
"Wag ka na mahiya Mika." natatawang sabi ng Kuya niya.
Umupo na ako at bago kami kumain, naglead muna ng prayer ang mama ni Ara.
At pagkatapos nun, nagsimula na kaming kumuha ng pagkain. Kukunin ko na sana yung kanin kaso inunahan ako ni Ara.
"Ako na." matipid niyang sabi at hinayaan ko lang siya kaso yung mama, papa at kuya niya, nakatingin sa amin. Luh? Nakakatakot. Ang serious kasi ng mga mukha nila.
"Ano ulam gusto mo?" tanong ni Ara. "Aah! Alam ko na, eto." kinuha niya yung Caldereta pero inagaw ko sa kanya.
"Uy ako na lang." sabi ko at nginitian niya lang ako. At tumingin naman ako sa pamilya niya na medyo natatawa. Okay? Di ko gets.
Nagsimula na akong kumain ganun din si Ara. Lagi niya akong inaasikaso. Pag kukunin ko yung tubig, inuunahan niya ako at siya ang maglalagay ng tubig sa baso ko at ganun din naman ako.
"Ang sweet naman ng magkaibigan na 'to." nagulat naman ako dahil nagsalita bigla yung papa niya.
"Papa?" pasigaw na sabi ni Ara at natawa naman ang mama at kuya niya.
"Haha ikaw talaga Ara." napapailing na sabi ng Kuya niya.
"Mika, may nagkakagusto ba dun kay Ara?" tanong ng Papa ni Ara at nabilaukan naman ako.
"Oh? Anyare sayo? Tubig oh." abot sakin ni Ara at agad ko namang ininom yung tubig.
"Papa naman kasi bakit mo tinanong ng ganun? Kumakain yung tao oh?" nakangiting sabi ng Kuya ni Ara at natawa naman silang lahat kasama na si Ara.
"Hay nako. Bukas na lang kayo magtanungan. Sigurado pagod yang magkaIBIGAN na yan." nakangising sabi ng mama ni Ara. Wow! May diin talaga dun sa "ibigan". Di kaya napansin nila na kami ni Ara?
.
.
.
.
"Ye, ikaw naman magshower dun. Tapos na ko." sabi ni Ara habang nagkukuskos siya sa buhok gamit yung towel niya.
"Ahm.. Ara, ang weird nung nangyare nung nagdinner tayo." sabi ko habang kumukuha ako ng damit sa bag ko.
"What's Weird?"
"Parang nahahalata nila kung anong meron sa atin?" sabi ko at tumabi ako sa kanya.
"Tss. Guni-guni mo lang yun." sabi niya at bigla niya akong tinulak. "Dun ka muna, magshower ka muna bago ka tumabi sa akin!" natatawang niyang sabi.
"Wow ha? Halika dito!" sabi ko at bigla naman siyang tumakbo kaya hinabol ko siya. "Malapit na ko sayo Tomsy!"
"Luh? Ayoko na! Hahaha kakatapos ko lang maligo eh." sabi niya pero di naman ako tumigil sa paghahabol sa kanya.
Buti na lang mahaba ang arms ko kaya nahuli ko siya agad. "Eh pano na yan?"
"Ugh! Maligo ka muna!" natatawang niya sabi pero di ko siya sinunod. Niyakap ko siya ng mahigpit. Dahil galaw siya ng galaw, natumba kami sa kama.
"Di ka na makakawala." nakangisi kong sabi. Inilapit ko yung mukha ko sa kanya at---
"Ara! Tawag ka ni Pa---"
Napatingin kami ni Ara sa kuya niya at bigla naman ako tinulak ni Ara ng malakas.
"Kasi naman Yeye eh? Tingnan mo talo ka sakin sa wrestling." alam kong palusot nya lang yun.
"Kaya nga eh." sagot ko at agad na akong pumunta ng CR. Haist! Sana naman maniwala yung Kuya niya.
Ara's POV
Hay nako! Pasaway talaga si Mika. Haha laptrip ako sa mukha niya napakapriceless.
"Anong ginagawa niyo ng syota mo ha?" sabi ni Kuya Jun na natatawa. "Kayo ha? Hahaha!"
"Sira ka Kuya!" sabay hampas ko sa kanya. "Nasan ba si Papa?"
"Nandun sa may terrace. Gusto kang kausapin tungkol sa girlfriend mo." natatawang sabi ni Kuya. Hinampas ko agad siya.
Pumunta na ako sa terrace at nakita ko si Papa. Agad naman ako tumabi sa kanya.
"Pa, bakit po?" mahinahon kong tanong.
"Kamusta si Mika?" tanong ni Papa
"Okay naman siya. Pa, sana magustuhan niyo siya para sakin." sabi ko.
"'Nak, gusto ko kung ano at sino pa ang gusto mo." seryosong sabi ni Papa. "Basta tandaan mo, hindi madali yang pinasok niya. Alam kong masasaktan niyo ang isa't-isa pero ilaban mo yan ha?" sabi ni Papa at tinapik ang balikat ko.
---
Okay. Sana ma-gets niyo. Alam ng family ni Ara na meron silang relasyon ni Mika. Paano nalaman? Natural, sinabi ni Ara. :D
Votes and Comments guys! :)