Ara's POV
Gumising agad ako ng maaga dahil start na ng pasok today. Magkasunuran kaming nagising ni Mika kaya ayun, agad na kaming kumain then shower. Sabay na rin kaming pumasok para maihatid niya ako sa building ko. Hindi ko pa kasi ganun kabisado ang mga lugar dito sa La Salle.
Habang naglalakad kami sa campus ay nakasalubong namin sina Kim at Cienne.
"Kimmy!" Sigaw ni Mika at nagyakapan silang dalawa.
"Musta naman first night nyo?" Tanong naman sakin ni Cienne at bumeso sakin.
"Ok lang naman. Medyo nahirapan lang ako ng konti kas-- Aray!
Sabay tingin ko kay Mika ng masama dahil hinampas niya ang likod ko.
"Aray. Sakit nun ah." Nakasimangot kong sabi sa kanya.
"Bakit Ara?" Nag-aalalang tanong naman ni Cienne sakin.
"May langgam kasi kaya pinalo ko." Sabi naman ni Mika samin
"Dapat sinabi mo nlang sakin. Sakit kaya!" Reklamo ko dito.
"Sorry po." Sabi naman ni Mika na mala Chichay ang tono.
Natawa na lang yung dalawa at napailing na lang ako. Sakto namang malapit ng mag nine kaya hinatid na ko ni Mika sa building ko.
"Oh ayan, dito na building mo." Sabi sakin ni Mika habang tinitignan ang college building ko.
"Sige, salamat."
"Lunch tayo together later?"
Inisip ko muna ang schedule ko at mukha namang magtatagpo ang break time namin.
"Sige, see you later." Sabi ko at pumasok na ako sa building ko.
Nagtanong-tanong na lang ako kung saan yung room ko. Nang mahanap ko na, pumasok na ko at saktong time na at dumating na si prof.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Mika, gusto mo libre?"
Magkasama na kami ngayon ni Mika. Nagkita na lang kami dito sa cafeteria ng La Salle. Gusto pa nga akong sunduin kaso wag na, alam ko kasi malayo ang building ko sa kanya. Nakakahiya na, hinatid na nga ako tapos magpapasundo pa?
"Bakit?"
Iba rin 'tong si Mika. Inaalok mo na ng libre, nagtatanong pa kung bakit.
"Gusto ko lang tsaka hinatid mo ko kanina." Sabi ko.
"Ah sige. Yun na lang." Turo niya sa Iced Tea.
"Miss, dalawa po nun." Sabi ko naman kay Ateng Tindera.
After naming bumili ng pagkain, naghanap kami ng pwedeng pwestuhan dito.
"Dapat pala ihahatid kita everyday para may libre ako sayo everyday." Natatawang sabi ni Mika.
"Hoy lugi!" Sagot ko naman sa kanya.
"Nga pala, nagkaboyfriend ka na ba?"
Nagulat naman ako sa tanong ni Mika. Pero wala pa naman talaga.
"Hmm, wala. NBSB." Sagot ko.
"Naks, bait." Natatawa niyang sabi.
"Syempre dapat focused lang ako sa studies at volleyball." Sabi ko. "Ikaw ba?"
"Ako?" Tanong niya. "Wala pa." Sabay tawa niya.
"Weh?"
"Oo nga. Mukha ba akong nagsisinungaling?"