Sunod sunod kung inimon ang shot na nakalagay sa lamesa namin, hindi ko na alam kung pang ilan ko na ba ito. Humilig ako sa sofa at pinakiramdaman ang init ng alak sa lalamunan ko.
"Cynthia tama na umuwi na tayo" kahit napapapikit na ang mata ko at binalingan ko padin siya.
"Mamaya na! lets partehhh!" winagayway ko pa ang kamay ko sa ere.
"Tama na sinabi eh" kinuha niya ang shot na hawak ko at walang patumpik tumpik na ininom yon.
"Woaahh! Apirrr!!" kinapitan ko pa ang kamay niya para makipag apir sakin.
"Uuwi na tayo!" hinawakan niya ang siko ko at iginaya palabas ng bar,
"Diyan ka lang babalikan ko lang si Cone" tumango lang ako.
"Tangina" tinakpan ko agad ang labi ko, shit nasusuka ako! Nagpalingon lingon ako pero wala akung makitang nagtitinda ng sigarilyo.
"Cynthia okay ka lang" nilingon ko si Cone, magulo ang buhok niya. Kalat ang mascara dahil sa pagiyak. She's more wasted than me.
"Ayos lang, umuwi na tayo" ngumiti ako at inakbayan siya.
Mabilis naman na pinaandar ni Sandro ang sasakyan, galit na galit siya. "Tingnan mo ang ginawa mo Cynthia! Pati si Cone natututo na!" sigaw niya sakin ng makababa ako sa sasakyan.
Tumawa lang si Cone "Okay lang Sands"
"Shit talaga!" tinakpan kung muli ang labi ko, nasusuka nanaman ako ano ba yan!
"Cynthia kinakausap kita!"
"What argh" nasuka ako sa dibdib niya.
"Sht!"
BINABASA MO ANG
Sayo Lang
General FictionSa hindi inaasahang panahon nahulog si Cynthia sa hindi din inaasahang tao, at iyon ay si Sandro. Ngunit may mga bagay sa nakaraan ang nagbabalik upang sila ay guluhin. Hahayaan ba nilang sila ay masira nito o ito pa mismo ang magpapatibay sa pagsas...