"Wake up sleepy head" dahan dahan kung iminulat ang mga mata ko, kita ko si Sandro na nakangiti.
"Gising na, andito na tayo" hinalkan niya ang talukap ng mata ko bago lumabas. Inayos ko ang buhok kung nagulo sa pagtulog at ang damit ko bago tumingin sa labas.
Lumabas ako at iginala ang paningin, isang lumang bahay ang nasa harap ko ngayon. Sa likod ng bahay ay kitang kita ko ang dagat, iginala ko muli ang mata ko. Nasan ba kami?
"Cynthia!" napalingon ako nakita ko si Sandro na kumakaway may kasama itong matandang magasawa, agad akung lumapit sakanila.
Hinapit agad ni Sandro ang baywang ko at iniharap ako sa dalawang mantanda. "Inay Itay si Cynthia po"
"Aba'y napakagandang bata ano Emma?" nakangiting wika ng matandang lalake habang sinasabi sa matandang babae.
"Oo, kaano ano mo ba ito Alesandro? Bakit hindi si Isabel ang kasama mo?" wika ng matandang babae na hindi man lang ako pinukawan kahit sulyap. Ramdam ko na agad na hindi ako nito gusto.
"Emma" suway ng matandang lalake dito.
"Ano Rolando?" tumaas ang kilay ng matandang babae.
"Magpapahinga muna po kami Inay Itay" wika ni Sandro hinigit niya ako paalis doon at iginaya papasok sa bahay.
"I'm sorry sadyang ganoon lang si Inay" nagiwas ako ng tingin dito.
"Ayos lang" walang emosyon kung wika.
"San ba ako pwedeng magpahinga?" iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay.
"Iyong kwarto sa kaliwa, iyon ang kwarto ko" tumango ako bago inakyat ang maliit na hagdan at pumasok sa kwartong nasa kaliwa.
Agad akung sumalampak sa higaan at pumikit.
![](https://img.wattpad.com/cover/80914476-288-k644208.jpg)
BINABASA MO ANG
Sayo Lang
Ficção GeralSa hindi inaasahang panahon nahulog si Cynthia sa hindi din inaasahang tao, at iyon ay si Sandro. Ngunit may mga bagay sa nakaraan ang nagbabalik upang sila ay guluhin. Hahayaan ba nilang sila ay masira nito o ito pa mismo ang magpapatibay sa pagsas...