Chapter 22

26 3 0
                                    

Nagbihis ako ng kulay black na two piece bikini, hindi na ako nagabala na magbihis ng pangtahob. Malayo naman ang kalsada dito at ang mga kabahayan, kaya kami lang ni Sandro ang nandito.

Lumabas ako at nagtungo na sa gazebo, nandoon si Sandro, topless at naka boxer shorts lang.

"Bakit nakaganiyan ka?" nguso ko sa boxer shorts na suot niya.

"Hindi ako maliligo love, panunuodin na lang kita" nagkibit balikat na lang ako at dahan dahan bumaba sa gazebo, ramdam ko agad ang lamig ng tubig sa katawan ko. Sumisid agad ako at umahon din.

"Sandro halika na" nilingon ko siya habang pinapasadahan ng kamay ko ang buhok kung basa na ngayon.

"Cynthia... behave" namaywang siya at nagiwas ng tingin, ngumuso naman ako at nagkibit balikat na lang at muling lumangoy.

Habang naglalangoy ako ay naramdaman ko na lang na parang may nawawala saakin. Napalunok ako ng mapagtanto kung ano iyon. Hindi na sana ako mababahala kaso biglang narinig ko na may paparating.

"S-sandro...Sandro!" tinakpan ko ang dibdib ko at lumublob sa dagat, lumingon siya sakin at parang napagtanto kung ano iyon. Napamura siya bago tumalon at pumunta sa pwesto ko.

Hinigit niya ako at hinalikan. "Oh mukhang nakakaistorbo kami, babalik na lang kami mamaya" wika ni Tatay Rolando kitang kita ko ang panlalake ng mata ng matandang babae bago umismid.

Dahil sa malaking tao si Sandro ay naitago niya ako sa matatanda. "Shit muntik na! Ano bang nangyare?!"

Naiiyak ako na yumakap sakaniya "Nawala na lang bigla eh" hinaplos niya ang ulo ko.

"Fvcking bikini! Tahan na, papasok na tayo. kukuha lang ako ng tuwalya. mabilis lang"

Umalis si Sandro para kumuha ng tuwalya ako naman ay naiwan malapit sa gazebo.

"Tumayo ka" napatingala ako sakaniya.

"Ayaw" umiling pa ako. Nagtiim panga siya bago muling tumingin sakin.

"Tayo na Cyn" naluluha akung tumayo, bago pa tuluyan na maiahon ko ang parteng dibdib ko ay hinigit na niya ako at agad na pilulopotan ng tuwalya. Sisigawan ko pa sana siya sa ginawa niya ng bigla niya akung buhatin na parang sako. Hindi naman ako makapalag dahil nakapulupot ang tuwalya sakin at ayaw ko naman na makita niya akung walang saplot.

Ibinaba niya ako sa kwarto niya "Sandro, saan ka pupunta?" hinawakan ko ang pulso niya ng akmang lalabas na siya.

"Magpapalamig muna" kita ko ang pamumula ng mukha niya bago lumabas.

Sayo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon