Chapter 28

28 3 0
                                    

Nakaupo ako sa isang upuan sa labas ng ER habang nakatingin lang sa kamay kung may dugo, napahagulhol nanaman ako ng bumalik ulit sa isip ko ang imahe ni Sandro.

"Iha" napalingon ako.

"Tita I'm sorry" niyakap ako ng ina ni Sandro.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo iha, makakaya iyan ng anak ko naniniwala ka din sakaniya hindi ba?" kita ko ang luhang gusto ng lumabas sa mata niya, napatango na lang ako at niyakap siyang muli.

Isa, dalawa. ilang oras na kaming nagiintay sa labas ng ER at pare parehas kaming nakatulala.

"Cynthia iha umuwi kana muna, magpahinga ka" wika sakin ni Tito Gregorie.

"Uuwi lang po ako at kukuha ng mga gamit pero babalik rin po ako agad" napatango na lang ang matanda, sa halip na dumiretso pauwi ay nagtungo muna ako sa kwarto ni Cone.

Naabutan ko si Arthur na nakahawak sa kamay ni Cone at hinihimas iyon at nilalapatan ng halik kahit pahikab hika na ito,

"Arthur" napalingon ito sakin at mapait na ngumiti.

Pinaglapat ko muna ng maigi ang mga labi ko bago umimik.

"I'm sorry" pero pumiyok pa din ako.

"Hindi mo kasalanan Cynthia" pagpapagaan niya saakin.

"Kasalanan ko kung hindi sana ako umalis hindi sa-" napatingala ako upang pigilan ang mga luha pero sadyang mabibilis silang nagsipatakan.

"Kung gising lang si Cone at si Sandro, hindi sila matutuwa kung sisisihin mo ang sarili mo. Mahal ka nilang pareho kaya ka nila sinundan at hindi mo naman alam na may mangyayareng masama" umiling ako bago lumapit sa kama ni Cone at hinaplos ang mukha niya, bago bumuntong hininga.

"Uuwi na muna ako, wag mong iiwan si Cone okay? Malalagot ka sakin" pinilit kung ngumiti na parang katulad dati. Tumango naman siya, agad kung nagtungo palabas at doon ko pinakawalan ang iyak na kanina ko pa pinipigilan. Kagagawan ko kung bakit nangyare ito,tinakpan ko ang bibig ko upang walang makarinig sa iyak ko.

Sayo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon