Pagkatapos noon ay nagtungo agad ako sa kwarto upang makapagpalit na ng damit, pagkatapos kung magpalit ay nagtungo na agad ako sa kusina para kumain.
"Cone! Anniversary nina Mama at Papa mo sa linggo diba? Hindi kaba uuwi?!" lumabas ito sa kwarto niya.
"Bahala na" nagtungo siya sa ref upang kunin ang pitcher ng tubig bago umupo sa upuan niya.
"It's been five years Cone, ayaw mo pa din bang bumalik?" udyok ko dito. nagkibit balikat na lang ito habang umiinom.
"Tama si Cynthia, Cone. We need to go back, namimiss ko na din ang buhay satin" kahit hindi ko gustong tumingin kay Sandro ay napaangat ako ng tingin, may gusto ba siyang balikan? Parang maling desisyon nga na bumalik kami.
"Bahala na" napahinga ako ng maluwag sa sinabi nito, pero kinabukasan ay natuloy parin naman kami.
"Sa hacienda niyo tayo pupunta Cone, nandun silang lahat" wika ni sandro habang iniiba ang daan.
"Idrop mo na lang ako diyan uuwi ako sa bahay sa may bayan" agad ko siyang nilingon at tinaliman ng tingin.
"Ang kj mo talaga Cone! Anniversary ng magulang mo oh!" wika ko sakaniya nagkibit balikat na lang ito at itinuon ang tingin sa labas ng bintana.
Bumakas ang malaking gate na gawa sa kahoy pagkatapos ay nasilayan nanamin ang puting bahay nina Cone, biglang parang may lumukob na kaba sa katawan ko. Agad akung bumaba at inayos ang damit na suot ko bago bumaling kay Cone.
"Bakit ngayon ko lang ba napansin yang suot mo!" bulyaw ko dito napataas ang kilay niya bago napatingin sa suot niya.
"Anong problema sa suot ko?"
"Kung ikaw si Cone na kilala namin noon baka naka dress ka ngayon" Umismid lang ito sa winika ko at sinuot na ang aviators niya, binalingan ko ngayon si Sandro na busy sa paghanap ng kung ano, o mas magandang sabihin na kung sino.
Habang nilalakad namin ang tent ay mas lalong lumalala ang kaba na lumulukob saakin, nahigit ko ang hininga ko ng makita ang taong ayaw kung makita. Bumaling ako kay Cone para tingnan ang reaksyon niya pero hindi ko iyon makita dahil sa suot niyang aviators, bumaling naman ako kay Sandro na ngayon ay nakatingin sa lamesa ng mga taong ayaw kung makita.
Mali ata ang desisyon na bumalik kami dito.
BINABASA MO ANG
Sayo Lang
General FictionSa hindi inaasahang panahon nahulog si Cynthia sa hindi din inaasahang tao, at iyon ay si Sandro. Ngunit may mga bagay sa nakaraan ang nagbabalik upang sila ay guluhin. Hahayaan ba nilang sila ay masira nito o ito pa mismo ang magpapatibay sa pagsas...