Chapter 34

29 3 0
                                    

Dahan dahan kung binuksan ang pintuan ng kwarto ni Cynthia, napalunok ako sa naabutan. Nakayakap ang paa at kamay niya sa isang unan at nakalihis na ang kumot sa bandang hita niya.

Umubo ako bago magsalita "Cynthia gising na!" kumuha agad siya ng unan at ibinato saakin, sapol ako sa mukha

"Cynthia kasi, kumakain na si Cone" dahan dahan niyang iminulat ang inosente niyang mata, bago ako sinapak. Pambihira.

"Ang bully talaga! Nakakapikon na kayo ha!" agad akung nagmartsa palabas ng pintuan at ipinagpatuloy ang ginagaw sa kusina.

"First day of school tulala ka" napalingon ako kay Cynthia, kitang kita mo ang concern sa itsura nito.

"Cynthia wag mong kulitin si Cone" bumaling siya saakin at umirap, napangisi na lang ako.

"Uuna na ako ha? Bye!" agad namang tumayo si Cone, napalingon ako kay Cynthia ng bumuntong hininga ito.

"Oh napapano ka diyan? Problemadong problemado ka ba sa mukha mo?" tumayo ito at alam ko na ang gagawin nito kaya tumakbo ako palayo, nakaapak siya sa isang balat ng chichirya kaya na out of balance siya agad akung tumakbo at sinambot siya. "A-aray" napadilat siya, "Padalusdalos kasi" tumayo ito at agad na nagiwas ng tingin.

"Liligo na ako" bago pa ako makapagreact ay agad na itong umalis, ganiyan nga Cynthia.. mahulog ka saakin, katulad ng pagkakahulog ko sayo.

"Sandro gising na!" hindi ko pinansin ang nagsalita at bumaling sa kabilang side ng kama.

"Sandro naman eh! Gising na nga!" dahan dahan kung iminulat ang mata ko, nakita ko si Cynthia na nakasilip saakin. Right! Hindi na lang nga pala ako ang nasa condo may dalawa na akung kasama.

"Sandro dali na ipapasyal mo pa kami!" hinila niya ang kamay ko kaya napagulong ako sa kabilang side ng kama kung nasaan siya.

"A-aray!" nalaglag ako at nakapatong ako sakaniya, tumayo agad ako ng marealize ang pwesto namin, nagiwas ako ng tingin.

"Maliligo lang ako intayin niyo na ako sa labas" agad naman siyang tumakbo palabas at hindi ko alam pero simula noon pinanuod ko ang bawat galaw niya, kung paano niya hawiin ang buhok niya, kung paano maningkit ang mga mata niya tuwing tumatawa, kung gaano niya mahalin ang mga taong nakapalibot sakaniya. Lahat ng iyon ay nalaman ko, at doon ko lang napagtanto na I already fell in love with her.

Nanunuod ako ng basketball dahil hindi pa naman tapos maligo si Cynthia, at nakagawian ko nadin na sabay lagi kaming pumapasok. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Cynthia kaya napabaling ako doon, nakatitig siya saakin, magulo ang buhok niya, hindi pa ayos ang botones ng uniporme niya at nakikita ko ang bra niya!

"Wag kang tumitig, ayusin mo yang damit mo" napatingin siya sa damit niya, at inayos iyon kaya nagiwas na ako ng tingin.

"Hi Cynthia" bati sakaniya nung kaklase namin sa minor subject na si Jon, keme na lang niya iyong nginitian. Isa ba siya sa mga nakakasama ni Cynthia sa bar?

"Yan ba ang napapala mo sa paglabas gabi gabi?" bulong ko sakaniya, matalim niya na lang akung tiningnan at pumunta na sa upuan niya.

Buong maghapon ko siyang tinititigan, at halata ko sa galaw niya na gusto na niyang umuwi.

"Cynthia pwede ba wag kang masyadong halata na gusto mo ng mag bar ulit" wika ko dito ng makapasok ako sa sasakyan.

Matalim niya akung tiningnan "Mag drive kana lang" wika nito at humalukipkip na.

"Ikaw si Cynthia diba?" tanong noong lalake na nakasabay namin sa elevator, kunot noo siyang napatango sa lalake "I've heard a lot about you" agad kung ipinulopot ang braso ko sa baywang ni Cynthia, I saw what you did there pare, hindi ako tanga.

Sayo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon