Chapter 1

111 3 0
                                    

"Cynthia gising na!" kumuha ako ng unan at binato ito kung saan.

"Cynthia kasi, kumakain na si Cone" iminulat ko ang isang mata ko at nakita ko doon si Sandro, sinapak ko ito na naging dahilan ng pagkalaglag niya sa kama.

"Ang bully talaga! Nakakapikon na kayo ha!" padabog itong lumabas, sinundan ko naman ito. Naabutan ko na kumakain na si Cone, naka school uniform na siya.

"First day of school tulala ka" tinapik ko ito na nagpabalik sakaniya sa realidad, ng makatapos kami ng 4th year ay agad naming nilisan ang bayan yun, at dahil sa nangyare ay naging close kami nina Sandro at dahil mabuti siyang kaibigan ay dito niya kami pintuloy sa condo niya.

"Cynthia wag mong kulitin si Cone" bumaling ako kay Sandro at umirap lang, pakialamero talaga.

"Uuna na ako ha? Bye!" agad na tumayo si Cone at umalis na, napabuntong hinanga ako. Kahit isang taon nadin pala ang lumilipas ay hindi padin niya nakakalimutan si Arthur.

"Oh napapano ka diyan? Problemadong problemado ka ba sa mukha mo?" tumayo ako para sapakin ito, pero agad naman siyang nakatakbo papunta sa sala. Pero hinabol ko padin siya. Nakaapak ako ng balat ng chichirya na nagsanhi ng pagbagsak ko, bumagsak ako pero hindi ako nasaktan.

"A-aray" napadilat ako, nasalo pala ako ni Sandro bago pa man ako bumagsak sa sahig.

"Padalusdalos kasi" tumayo ako at nagiwas ng tingin.

"Liligo na ako" nagmamadali akung sinarado ang pintuan ng kwarto ko at bumuntong hininga. Shit anong nangyayare sakin bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?! oh well baka sa kaba lang naman.

Sayo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon