"Masaya kaba sa naging desisyon mo sa pagbalik natin dito?" nanguuyam na bulong sakin ni Cone, hindi ko ito sinagot at ipinirmi ang tingin sa naguusap na si Sandro at Isabel.
"Kukuha lang ako ng makakain" ng hindi ko na kinaya ang nakikita ay agad akung nagpaalam at tumayo para iwasan ang nakikita ko, kumuha agad ako ng isang glass ng wine at ininom iyon ng tuluyan. Hindi ko alam kung ilang baso na ng wine ang nainom ko bago bumalik sa lamesa namin.
Pero tingnan mo nga naman nakaalis na ako't lahat pero si Sandro at si Isabel ay masaya pading naguusap, nahihibang na ba siya? Bakit siya nakikipagusap sa babaeng sinaktan siya?!
"I can't fvcking take this" padabog akung tumayo at nagmartsa patungo sa mansion nina Cone.
Umupo ako sa kama at niyakap, ang dalawang tuhod bago umiyak, fvck Cynthia ano bang nangyayare sayo?!
"Cynthia" napalingon ako sa pintuan at pumasok doon si Cone.
"Ang tanga tanga ko talaga! Bakit hindi ko nga ba naisip na pwede silang bumalik dito?!" umiyak ako ng umiyak hanggang sa hindi ko na kinaya ang sakit ng ulo dahil sa pagiyak at sa paginom ng alak kanina.
Ilang minuto pa lang akung nakakaidlip ng maramdaman kung may humahaplos sa ulo ko, iminulat ko ang isang mata ko.
"Cynthia" kakapitan niya sana muli ang ulo ko pero iniwas ko iyon at naupo sa kama.
"Cynthia, anong problema?" napabaling ako sa tanong niya.
"Anong problema?! Wala!!" tumayo ako at akmang lalabas sa pintuan ng higitin niya ako.
"Wala?! Pero sa tingin ko ay meron!" winaksi ko ang kamay niyang nakakapit sa pulso ko at hinarap siya.
"Meron talaga! Una! Dinala mo ako sa bahay kung saan mo dinadala si Isabel! Pangalawa! Parang wala lang sayo ang mga ginawa niya dahil parang tuwang tuwa ka pang makausap at makita siya!"
"Cynthia nauna kung makilala si Isabel kesa saiyo at hi-" nalaglag ang panga ko sa sinabi niya,
"Huh! Sabagay panakip butas lang naman ako!"
"Cynthia no! hindi ka panakip butas!" akmang hahawakan niya ako pero umilag ako.
"Don't touch me! So ano tayo?! Ipaliwanag mo nga Sandro? Bakit hanggang ngayon walang label ang relasyon natin na ito?! relasyon nga ba itong matatawag?! Huh?! Ano?!" nakayuko lang siya habang nagsasalita ako.
"I hate you" hinampas ko ang dibdib niya bago lumabas ng kwarto.
"Cynthia hindi mo naiintindihan!" sasagutin ko pa sana siya ng biglang lumabas sa isang kwarto si Cone at Arthur.
"Cynthia Sandro anong nangyayare?" wika ni Cone nilingon ko siya habang si Sandro ay napatungo lang.
"Hindi niyo kasi maiintindihan" napakunoot ang noo ko sa sinabi ni Sandro.
"Ano ang hindi namin maintindihan?" naguguluhan ding wika ni Cone pinipigilan siya ni Arthur pero iwinaksi niya lang iyon.
"Ano Sandro?! Bakit hindi mo ngayon sabihin kay Cone na mahal mo padin si Isabel?! Na bumalik lahat ng nararamdaman mo nung makita mo siya!" napahikbi ako.
"Anong kalokohan ito Sandro?!" itinulak siya ni Cone bago pa man makalapit saakin.
"Hindi niyo maiintindihan" wika ni Arthur
"Hindi namin maintindihan? O mas pinili niyong wag ipaintindi saamin?" madiin na wika ni Cone bago ako higitin malayo sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Sayo Lang
Ficção GeralSa hindi inaasahang panahon nahulog si Cynthia sa hindi din inaasahang tao, at iyon ay si Sandro. Ngunit may mga bagay sa nakaraan ang nagbabalik upang sila ay guluhin. Hahayaan ba nilang sila ay masira nito o ito pa mismo ang magpapatibay sa pagsas...