Chapter 14

31 3 0
                                    

Mugto ang mga mata ko kinaumagahan, hindi dahil sa pagiyak kundi sa walang sapat na tulog. Hindi ko kasi lubos maisip kung anong nangyare kagabi? Bakit nga ba kami humantong sa puntong iyon? Ang gulo.

"Anong nangyare sayo Cynthia?! Haggardong haggardo ka!" napailing na lang ako kay Dave, isa sa kaklase ko.

"Real talk lang ha? Ang panget mo ngayon" tiningnan ko ito ng matalim pero tinawanan lang ako nito, lintek na bakla talaga oh.

"Oh! papa what happened saiyo din?" napalingon ako sa pintuan kung saan nakatingin si Dave, at ganoon na lang ang gulat ko ng makita doon si Sandro. Magulo ang buhok at halatang bagong gising, maitim din ang ilalim ng mata niya. Nagiwas na ako ng tingin bago pa niya ako mahuli na nakatingin sakaniya.

"Oh oh somethings fishy" nagpalipat lipat ng tingin samin si Dave pero kahit isa ay walang pumansin sa sinabi niya, pumasok na nag teacher naming sa first subject pero hindi siya umupo sa upuan na katabi ko kundi pumunta siya sa likod kung nasaan ang mga kaibigan niya pang iba.

Iwinaksi ko na lang siya sa isipan ko at pilit na nakinig sa sinasabi ng aming guro, ng matapos ang subject na iyon ay tumayo ako agad para umuwi. Nawalan ako ng gana at masakit ang ulo dahil wala akung sapat na tulog.

"Saan ka pupunta?" napalingon ako sa baritonong boses sa likodan ko, nakunot ang noo ko ng makita si Sandro na matiim na nakatingin sakin.

"Uuwi na, masakit ang ulo ko eh. Ikaw na ang bahalang magdahilan sa mga teacher okay?!" nag sign pa ako sakaniya ng okay bago kinuha ang mga gamit at lumabas na sa classroom.

Shit Cynthia ang galing mo,ipagpatuloy mo lang ang pagpapanggap na parang wala lang saiyo ang lahat. Ipagpatuloy mo lang. 

Sayo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon