Chapter 21

22 3 0
                                    

"S-sandro?" iginala ko ang paningin sa kwarto ng magising ako, ngunit wala doon si Sandro. Napabangon ako sa kaba na baka iniwan niya na ako. Hinangin ang puting kurtina na nakatabing sa glass door at dahil doon ay nakita ko si Sandro na nakaupo sa gazebo.

Napangiti ako at dahan dahan binuksan ang glass door, naramdaman ko ang lamig ng hangin sa balat ko. nakamanipis na bestida lamang ako kaya ramdam na ramdam ko iyon, pero tiniis ko. Lumakad ako sa kawayan na pathway na patutungo sa gazebo. Nakatingin lang si Sandro sa dagat kaya hindi niya namalayan na nasa likod na niya ako.

"Goodmorning, anong iniisip mo?" niyakap ko ito sa likod, pero agad itong humarap, hinawakan niya ang isang pisngi ko.

"Wala" halos pabulong na wika niya.

"Okay" pumikit ako.

"I love you" bulong niya sakin.

"I love you too"

"Pumasok na tayo, tingnan mo ang suot mo oh" ngumuso ito, sinundot ko ang ilong nito.

"Tayo lang naman ang nandito" ngumuso lang ulit ito at iginaya na ako papasok.

"Anong gusto mong gawin pagkatapos nating kumain?" tanong niya habang nagluluto.

"Hmm gusto kung mag swimming" inilapag nito ang mga pinggan at umupo na.

"Noted madame" napanguso ako at ngumisi naman siya ng makita ang reaksyon ko. matapos kaming kumain ay kinuha ko ang mga pinggan kaso pinigilan niya ako.

"Ako na" wika ko ng agawin niya iyon.

"Ako na madame" pilit niya.

"Ako na nga" pilit ko naman.

"Ako na madame, asawa ang kelangan ko hindi katulong okay?" napanguso ako.

"Pero gawain ng asawa yan"

"Para sa iba, pero hindi sakin. Kapag ako ang napangasawa mo hinding hindi kita pagtatrabahuhin. Hmm pero may isa ka palang trabaho" ngumisi ito, napakunoot ako ng ng noo sa pagtataka.

"Ano naman iyon?"

"Ang mahalin at alagaan ako at ang mga magiging anak natin"

Sayo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon