Chapter 27

22 3 0
                                    

"Ayos kana ba? Bumalik na tayo?" napalingon ako kay Cone, bago huminga ng malalim. Nagulat ako ng pagbalik namin sa mansion nila ay nagkakagulo.

"IKAW! MALANDI KA! INAGAW MO SIYA SAKIN!" sigaw ng sigaw si Isabel habang itinuturo ako, lalapit pa sana ito kaso agad itong nakapitan ni Arthur.

"INAGAW MO SIYA SAKIN! HAYOP KA!" iyak ito ng iyak habang sinisigawan ako wala akung nagawa kundi magtago sa likod ni Cone, napatingin ako sa paparating na si Sandro, tumingin siya sakin pero nagiwas din ng tingin at nagtuloy tuloy na kay Isabel. Yumakap agad sakaniya ang babae at umiyak sa dibdib niya.

Napalunok ako ng pumaso sa utak ko ang mga nangyayare, kanina kanina lang ay pinili ni Sandro si Isabel kesa saakin. Naramdaman ko na hinigit ako ni Cone sa kwarto namin

"Cynthia, I'm sorry hindi ko alam na magulo pa dito. sana pala hindi na muna tayo bumalik" umiling ako habang pinupunasan ang luha bago pumunta sa cabinet.

"Ayoko na! ayoko na!" sabog sabog ko na lamang inilagay ang mga gamit ko sa maleta at agad na sinara iyon.

"Cynthia sandali!" hindi ko pinansin ang pagtawag sakin ni Cone at ipinasok sa sasakyan ang maleta at agad na sumakay sa driver seat, ayoko na! ayoko na sa lahat ng ito!

"Cynthia! Cynthia! Sandali" kinalampag ni Sandro ang salamin ng kotse pero hindi ko pinansin iyon at tuluyan kung pinatakbo ang sasakyan, biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Tangina naman oh sumasabay kapa" pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang paghinga bago pumarada sa isang karenderia.

Lumabas ako sa sasakyan at pumasok sa karenderia, pinupunasan ko ang luha ko ng biglang may isang duguan na tao na pumasok.

"Tumawag kayo ng ambulansiya may naaksidente sa tapat ng acasia!" ang acasia na tinutukoy niya ay ang daan papunta kina Cone, biglang parang may takot na bumalot sa katawan ko.

"Sino ang naaksidente?!" tanong ng isang tao doon habang tinitingnan ang lumampas na ambulansiya.

"Yung isa anak ng mga Canete at yung isa naman ay galing sa pamilya ng Salvador" napakapit ako sa dibdib ko parang mawawalan ako ng hininga, pero pinilit kung pumasok sa sasakyan ko at pumunta sa pinakamalapit na hospital.

Humahangos ako na pumasok sa loob ng hospital habang palinga linga, hinanap ko sila nagbabakasakali na hindi ganoon ang damage na natamo nila hanggang sa napalingon ako sa entrance ng hospital, nahigit ko ang hininga ko habang papalapit ang stretcher kung saan may nakahigang lalake na punong puno ng dugo.

"Sandro" bulong ko ng makalampas ang stretcher sa pwesto ko.

"Sandro!" tumakbo ako at tumulong sa pagtulak ng stretcher. Punong puno siya ng dugo may mga bubog pa nanakabaon sa mukha niya, nakapikit siya. Hinawakan ko ang kamay niyang may dugo.

"Sandro, hindi mo ako iiwan diba? I'm sorry I'm sorry, please bumalik ka sakinnaririnig mo ba ako? Sandro babalik ka diba? Kakayanin mo" labag sa loob ko angbitiwan ang kamay niya pero kailangan, napaupo ako ng magsarado ang emergencyroom, at hagulhol ko na lang ang naririnig sa buong hallway.

Sayo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon