"Cone nasan ka?!" tinawagan namin agad si Cone ng makarating kami sa condo, magulo at hindi maitsurahan ito.
"Dito sa heaveeennnn!" kinig ko ang paghagikhik niya kahit sinisinok na siya, sht nasa bar siya! Hinanap namin ang bar kung saan kami madalas pumunta at sa unang bar pa lang ay nakita nanamin siya, sumasayaw ito sa gitna ng dance floor kasabay ng malaswang tugtog. Tumungo agad doon si Sandro, sinundan ko siya ng tingin at sa tingin ko ay nahihirapan siyang puntahan si Cone dahil maraming nakapalibot dito.
Susunod na sana ako ng biglang may humigit saakin.
"Cyn!! Welcome back! Absent ka ng dalawang gabi ah!" inabotan ako ng shot ni Elle at tinanggap ko naman iyon agad.
"Pupuntahan ko lang si Cone doon" sigaw ko dito pero inabotan lang ulit ako ng shot nito at hinila sa table nila.
"Bumawi ka muna samin!" inabotan nanaman niya ako ng shot, tinungga ko agad iyon ng matapos na pero hindi pa pala doon iyon nagtatapos, pinainom pa nila ako ng madami hanggang sa parang umaalon na ang paningin ko.
"Cynthia" napatingala ako sa lalakeng nasa tapat ko ngayon, madilim ang tingin niya na para bang nagagalit siya sa nakikita niya ngayon. So what?! Nagagalit din ako sa nakita ko! bumalik nanaman sa isip ko na doon din nagpapalipas ng oras si Isabel! tangina.
"Umuwi na tayo" hinigit niya ako at nagpatianod naman ako, akay akay niya ako sa parking lot kitang kita ko ang malalaswang tingin ng babae sakaniya, sino ba namang hindi diba? Kahit simple lang ang suot nito ay sobrang lakas padin ng dating. Pilit ko siyang hinahalikan para ipakita sa mga babae na saakin siya ngunit inilalayo lang niya ako sakaniya.
"Cynthia ano ba!" natawa na lang ako sa katangahan ko, gustong lumabas ng luha sa mata ko pero mas magmumukha akung tanga.
"Sakit kayong dalawa sa ulo" wika niya ng makapasok na kami sa sasakyan niya.
"Saang parte ng ulo Sands?" nagawa ko pa talagang magbiro kahit nasasaktan na ako. Ano Cynthia, galingan mo pa.
Naramdaman ko ang isang bagay sa lalamunan ko na parang nagpupumilit na lumabas, kaya pagka park na pagka park ng sasakyan ay lumabas na agad ako at nagtungo sa tagong lugar para ilabas iyon.
"Lugaw pa" nagmiddle finger na lang ako at pinunasan ang luha sa mata habang nakayuko padin.

BINABASA MO ANG
Sayo Lang
General FictionSa hindi inaasahang panahon nahulog si Cynthia sa hindi din inaasahang tao, at iyon ay si Sandro. Ngunit may mga bagay sa nakaraan ang nagbabalik upang sila ay guluhin. Hahayaan ba nilang sila ay masira nito o ito pa mismo ang magpapatibay sa pagsas...