"Woahhh Partyyyy!" sigaw ko ng makapasok kami, mausok, madilim at maingay pangkaraniwan na ito.
"Cynthia!! Girl!!" pumulupot ang braso ni Elle sa baywang ko.
"Namiss ka namin!" sigaw naman ni Stefanie.
"Isang gabi lang naman akung nawala!" tinanggap ko ang shot na inabot sakin ni Erika.
"Who's the hottie Cynthia?" bulong ni Erika habang titig na titig kay Sandro.
Hinigit ko si Sandro at Cone "Elle Stefanie Erika, si Sandro at Cone kaibigan ko" ngiting ngiti ang tatlong babae habang nakikipagkamay kina Cone at Sandro.
"Cynthia doon tayo sa table natin" turo ni Stef ang isang vip room. Nakipagsiksikan kami sa mga taong nagsasayawan. Kita kong akbay ni Sandro si Cone para iiwas sa mga taong nagsasayawan.
"Cynthia?!" tinitigan kung mabuti ang lalakeng nakabunggo ko.
"Vince?! Omghad!" niyakap ko agad ito, ex ko siya pero wala namang iringan na naganap saamin noong nagbreak kami, kaya naging magkaibigan kami
"How are you? You look stunning!" pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko.
"Ayos lang ako, I-" may humigit sakin kaya hindi ko natapos ang sasabihin ko.
"Ano b-a" nakita kung si Sandro na madilim ang tingin ang humigit sakin, kaya hindi ko naituloy na sigawan ito.
"Oh Boyfriend mo Cyn?" iimik sana ako, kaso bigla akung niyakap patalikod ni Sandro at halkan sa pisngi.
"Ano sa tingin mo pare?" para akung napako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ang hininga niya sa tenga ko, sht ano ba Cynthia!
"Woah woah, kalma lang tayo pare ha? Kaibigan lang ako ni Cyn" nagpaalam na aalis si Vince kaya tumango na lang ako.
"B-bakit ka ganiyan?" paos kung wika.
"Wala" kumalas siya sa baywang ko at umalis na, hindi ka dapat maging mapangangkin kung hindi mo naman paninindigan.
BINABASA MO ANG
Sayo Lang
Ficción GeneralSa hindi inaasahang panahon nahulog si Cynthia sa hindi din inaasahang tao, at iyon ay si Sandro. Ngunit may mga bagay sa nakaraan ang nagbabalik upang sila ay guluhin. Hahayaan ba nilang sila ay masira nito o ito pa mismo ang magpapatibay sa pagsas...