"O-oo nga naman Hahaha" nagiwas agad ako ng tingin at tinikom ang bibig, wag kang iiyak Cynthia wag.
"Umuwi na tayo" naplingon ako sakaniya at umiling
"Umuna kana, uuwi na lang ako mamaya. Papahatid na lang ako kay Daniel" naging mas madiliim ang tingin niya sakin.
"Aalis ako, aalis kadin. Kaya tara na Cynthia"
"Pumunta akung magisa dito, kaya aalis din akung magisa Sandro" ngumisi ako pero agad ding nawala ng makita kung nagtiim siya ng panga at kumuyom ang kamao.
"Cynthia pwede bang wag ka ng makulit, sumama kana lang" pagod niyang wika.
"Sandro, hindi mo kelangan na problemahin ako" naningkit ang mata niya sa sinabi ko.
"You don't get it, don't you?" nagiwas ito ng tingin bago tumalikod at pumasok sa kotse niya. Kakatukin ko pa sana siya kaso bigla niyang pinaandar iyon ng sobrang bilis.
"Paano ko maiintindihan kung ang gulo gulo mo?" napatawa ako ng pagak bago pumasok sa loob ng bar.
Napakunot ang noo ni Daniel ng makita akung naglalakad pabalik sa lamesa nila "Akala ko ba?" nagkibit balikat ako at kinuha ang shot na hawak niya.
"May problema kaba?" keme na lang akung ngumiti at uminom muli. Ininom ko ang lahat ng inaabot nila sakin, hindi man lang ako nagdalawang isip. Nafrufrustrate ako kay Sandro, ang gulo gulo niya.
Napatayo kaming lahat ng patugtogin ng bar ang earned it ng the weeknd. Sumasabay sa tutog ang baywang ko, habang nakataas sa ere ang dalawa kung kamay. Kitang kita ko ang mga mata ng mga kalalakihan na nakatingin sakin.
"You're such a bad girl Cynthia, a very bad girl" nakiliti ako ng biglang may bumulong saakin, hinawakan din niya ang magkabilang baywang ko at sumayaw sa likodan ko.
"Ayaw mo ba sa katulad ko?" mas ginalingan ko pa ang pagsayaw, habang siya ay nasa likodan ko padin.
"No? Yes? You should be tamed babe, dapat sakin ka lang ganito. Dapat ako lang ang nakakakita ng side mo na ito" napahalakhak ako.
"So possessive. You sound like someone I know" niligon ko ang kausap ko.
Madilim ang tingin niya sakin "Really?"

BINABASA MO ANG
Sayo Lang
Aktuelle LiteraturSa hindi inaasahang panahon nahulog si Cynthia sa hindi din inaasahang tao, at iyon ay si Sandro. Ngunit may mga bagay sa nakaraan ang nagbabalik upang sila ay guluhin. Hahayaan ba nilang sila ay masira nito o ito pa mismo ang magpapatibay sa pagsas...