Chapter 30

33 3 0
                                    

"Goodmorning" napalingon sakin ang magasawa bago ngumiti,

"Cynthia, ikaw na bata ka, kauuwi mo pa lang pero nandito kana agad, tingnan mo nga ikaw namamayat kana" ngumiti lang ako ng haplosin ni tita Mila ang pisngi ko.

"Ikaw na muna ba dito?" tanong ni tito Gregorie

"Opo tito" ngumiti ng mapait ang magasawa bago lumabas sa silid.

"Goodmorning Sandro" hinaplos ko ang mukha niya.

"Pangdalawang linggo muna dito, nawila kana sa paghiga ha! Ikaw talaga" tumawa pa ako kahit may mga luhang lumalabas sa mata ko.

"Gumising kana please! Kinareer mo naman ata ang pagiging Sleeping Beauty eh!" wika ko habang pinapahid ang mga luha sa mata ko bago lumapit at hinalikan siya sa labi.

"Gumising kana okay? Kasi kahit gising ka hahalikan parin kita, kaya gumising kana. Hindi mo na kailangan maging Sleeping Beauty para sa halik ko, nahahalata na adik ka sakin eh" napatingala ako at napahikbi.

Sa loob ng dalawang linggo na dito siya namamalagi ay nandito din ako, gusto ko kasi na ako ang makikita niya sa pagising niya. kahit napapagod na ako sa pabalikbalik dito sa hospital, kahit kulang ako sa tulog ay hindi ako susuko. Kulang na kulang pa itong nararanasan ko sa naranasan niya. Sa loob ng dalawang linggo na iyon walang Isabel na nanggulo saamin, hindi ko alam kung nasan siya. Walang nakakaalam. Si Cone naman ay okay na.

Maghapon ko siyang kukwentuhan habang umiiyak ako sa gabi naman ay dadating ang mga magulang niya at sila naman ang magbabantay, pero babalik din agad ako ng mga alas 2 ng umaga at ako naman ang magbabantay sakaniya ulit. Laging ganoon ang nangyayare, walang pagbabago, at natatakot ako dahil ayokong masanay ng ganito. Natatakot ako.

Sayo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon